right_side

About Me

CURRENT MOON

Followers

random thoughts..

Monday, July 26, 2010

S O N A

dating kuwento, bagong tao.

Sermon ni Obet kay Nanay Auring. malakas ang boses at nakatatakot. mga blangkong salita na puno ng galit at pangungutya. paninisi dahil sa nangyari sa kawawang buhay niya na kalmadong tinatanggap ng kawawang ina. walang luha, madaming dugo. amoy araw at uugod-ugod. kung nagsumikap lang sana siya ng mas mabuti, sana, si Obet ay lumaking maayos at marangal.

Sumbatan, Okrayan, Ngitngit at Alitan. bawat mabuting asal na pinakita at lahat ng naitulong sa kapwa ay sinusumbat niya. ang ganti naman ng kawawang kaluluwa ay panlalait sa bunganga nang umaalipusta sa kanya. ngitngitang walang katapusan na wala namang patutunguhan. alitang mamanahin ng susunod na angkan. walang katapusang sumbatan, walang tigil na okrayan. kawawang henerasyon, susuong sa digmaang hindi naman sila ang nagpausbong.

Salungat na Obserbasyon nang Nagmamarunong na Aparisyon. nakikita lamang dahil sa makikinang na kasuotan. kung gaano katingkad ang panlabas na anyo, ganun kadilim ang kaibuturan ng puso. nakatatakot na aparisyon na makikita mo lang 'pag may magarang pagdiriwang. nagpapanggap na may malasakit at nagsasabi ng matatalinhagang obserbasyon na pandagdag sa kinang ng kanilang magarbong kasuotan. lulutang-lutang at mahirap matagpuan sa panahon kung kelan sila kailangan.

Sira ulong wala sa Obituaryo ang Ngalan at madaming Alaala. ang sira ulo na pinagdadasal ang kaluluwa ng mga taong nababasa niya sa obituaryo at minumura ang mga kaluluwang walang pangalan na nakaukit sa kanilang puntod. ang sira ulong hindi nakalilimot at matapang na isinisigaw ang kanyang mga alaala. ang sira ulong kinukutya dahil masyado siyang madaming pangarap. hindi niya hinangad na malathala ang pangalan niya sa obituaryo. ang gusto niya din ay mamura ng mga makabagong sira ulo. mga sira ulo na madami din alaala. mga sira ulong matagal nang alam na puwede naman talagang mangarap.

Susmaryosep! OMG! 'Nak ng.. Ampupu!

Saturday, July 24, 2010

Kapag Walang Panda, Balyena at Pawikan

magugunaw ang mundo.

madaming organisasyon na ang naitatag para sa kaligtasan ng mga hayop na malapit ng maubos. pati nga dun sa mga aspin, pusa, daga, janitor fish at iba pa ay meron na din. ngayon, ang tanong ay ganito, ano ang importansya nila sa sistema? kapag ba nailigtas at napadami ang lahi ng mga panda, balyena, pawikan at iba pa, ano ang mapapala natin? madaming tao ang nagugutom sa mundo pero, may mga tao na mas nag-aaksaya ng panahon sa mga hayop na 'to kesa sa kapwa nila tao. baket? kapag ba naubos ang Philippine eagle, whale sharks, mga asong ligaw na may rabbies at iba pang kahayupan na nakatira dito sa planetang ito, ano mangyayare? mamamatay tayo sa boredom dahil wala ng magiging laman ang mga zoo? magagalit tayo sa cable companies dahil mawawala na ang Nat Geo at Discovery channel? hindi ba lalaking malusog ang mga anak naten dahil sa mga larawan na lang nila makikita ang mga nasabing hayop? bakit nga ba importante sila? andaming problema ng mundo pero, bakit pati sila kelangan pang isama?

ewan ko pero, sa tingin ko, 'pag naubos sila, magugunaw na ang mundo. ewan ko, pero sa panahon ngayon, mas mabuting nilalang pa yung mga hayop na yun kesa sa mga tao. ang leon, 'di pinapatay ang kapwa niya leon. ang mga panda, bigyan mo lang ng dahon-dahon at kawayan, masaya na. ang mga pawikan at balyena, lumangoy-langoy lang at lumutang-lutang, nabubuhay na. walang komplikasyon, walang drama. walang arte, hangad lang ang tunay na esensya ng paghinga -- ang mabuhay. ewan ko pero, 'pag naubos sila, wala nang magtuturo saten kung paano mabuhay. ang pag-ikot ng mundo, mawawalan ng saysay kung puro tao na lang ang matitira, na karamihan ay nabubuhay para lang sa kanilang sarili. mga tao na mga asal tao. tama. dahil nakahihiya sa mga hayop na ikumpara sila saten.

'pag naubos ang mga panda, balyena at pawikan, magugunaw na ang mundo, ang buhay. matutunaw kase ang yelo sa dalawang polares dahil sa luha ng mga polar bear, penguin at ng walrus.

Thursday, July 22, 2010

Para sa Nakaimbento ng Banana-Q

at sa mga patuloy na nagluluto nito, mabuhay kayo.

kung sino man ang nakaimbento ng malinamnam at katakamtakam na merienda na kung tawagin ay banana-q, isa kang henyo. kung sino ka man, maraming salamat. dapat lang na ihelera ka sa mga kusinero na tanyag sa buong mundo at napapanuod ko sa cooking channel.

gamit lamang ang gamit na mantika, asukal na pula at saging na saba, nakagawa ka ng isang malinamnam na pagkain. gamit lamang ang tatlong sangkap, halo-halong lasa ang natitikman ng patay gutom kong dila. ang matigas na arnibal na tila mga palamuti na kumikinang-kinang na nakakapit sa saging na malaki at golden brown na mayuming nakatuhog sa finely carved stik ay talagang kaaya-aya sa mata. nakagagana, gawang henyo, walang duda.

ang lasa, oh ang lasa ay talaga namang katangi-tangi at hahanap-hanapin mo talaga. sa bawat kagat, sa bawat nguya ay mga magagarang ekspiryensya na dadalhin ka sa Italia, France, Greece at sa buwan. ang sarap at linamnam ng banana-q ay mahirap isalin sa salita. ang asukal na mala-kristal na nalalaglag sa bawat kagat ay hahabulin mo talaga na parang isang mamahaling diyamante na isusubo mo pa din kahit na lagpas na ng 10 seconds itong nakasayad sa sahig. ang saging na saba na may kakaibang tamis at lasa ay hihilingin mong hindi maubos dahil sa sobrang nakaaadik ang kanyang lasa. ibang klase talaga.

kung bibitayin na ko, banana-q at kape ang hihilingin kong huling hapunan. papayag din akong ito lang ang kainin hanggang sa katapusan ng Planeta. isusulong ko din sa kongreso na gawin itong Pambansang Merienda ng Pilipinas. gagawa din ako ng Party List para sa mga tindera ng sagradong merienda para maitaguyod ang pangangailangan nila at 'di magsawa sa pagluluto ng banana-q. at para sa nakaimbento nito, hahanapin ko siya at gagawan ng rebulto balang araw. mabuhay siya, mabuhay ang mga nagluluto ng paborito kong merienda.

sa halagang otso pesos, ang aking araw ay napupuno ng linamnam at sustansya. yeaba.

Wednesday, July 21, 2010

Ang Sarap Ipukpok ng Tabo sa Bungo Mo

yung Orocan para masakit talaga.

hindi ko na itatanong kung gumagamit ka ba ng baso sa pagsisipilyo tulad ng turo saten nung nasa elementarya tayo. 'di ko na din itatanong kung yung kubeta niyo e may shower haytek na puwedeng labasan ng malamig o maligamgam na tubig. ito na lang ang itatanong ko: mababasag ba ang bungo mo 'pag pinukpok ko yan ng tabo na walang laman? walang laman. sayang kasi ang tubig kung lalagyan ko pa.

habang iniisip mo yan, isipin mo na din kung bakit kahit napapaligiran ng tubig ang Pilipinas e parang kulang pa din ang supply ng tubig dito. isipin kung bakit kahit tropical na bansa 'to, nawawalan pa din ng laman ang dam naten. isipin mo lang, wag mong dibdibin. baka mapatalon ka ng imburnal ng wala sa oras.

masakit ba mapukpok ng tabo? tingin mo? ano din sa tingin mo yung magarang kaganapan nung nakaraang taon? masakit din kaya yun? nung nagpakawala ng tubig sa mga dam kase umaapaw? andaming tubig noon. 'di nawawalan ng laman mga tabo noon. iba-iba pa kulay. may brown, itim at dilaw. ano? ipupukpok ko na ba yung tabo?

'pag ba pinukpok ka ng tabo, ano mararamdaman mo? nakaloloko yun 'no? andaming puwede ipukpok, tabo pa. pero mas nakaloloko ata 'to: yung mga bumberong magra-rasyon sana ng tubig, 'di nakapagrasyon kase rumesponde sa sunog. umuulan pa nun ah. dalawang sunog pa ata yun. ngayon mamili ka, pupukpukin ka ng tabo o masusunog ang bahay mo tapos walang tulo sa mga gripo kahit umuulan? dibdibin mo na lang para tumalon ka na lang sa imburnal. mahirap mamili e.

ewan ko. sa tingin ko, hindi na kelangang pukpukin ka pa ng tabo para mabiyak ang ulo mo. manuod ka lang ng balita, dudugo na kokote mo. ewan ko. kung baket yung mga bukid naten natitigang pero yung mga golf course e berdeng-berde at poging-pogi. hindi ko alam kung bakit yung mga car wash shops hindi nagsasara pero yung mga water refiling station, talo pa mga naluging intsik.

pukpukin na kita ng tabo a? tapos pukpukin mo din ako.

Tuesday, July 20, 2010

Ayoko ng Pera

wala akong pera dahil ayoko.

gusto ko yung mga bagay na nabibili ng pera pero, yung pera mismo ayoko. makukuha ko din naman ang mga bagay na yun kung wala ang pera. mahirap pero bahala na? ayoko kasi ng pera. yuk. eww. kadiri.

yung hustisya nakukuha gamit ang pera. pero puwede din naman kahit wala. hindi nga lang magiging patas kung wala kang pera pero, hustisya pa din naman yun? mali nga pero ganun na din yun. ayos na yun kesa gumamit ako ng pera. hindi ako masusuka.

yung panty ng kursonada kong dalaga puwede kong makita kung meron akong pera. makikita ko kung anong kulay kung bibigyan ko siya ng pera. wag na uy? alam ko kaya kung saan siya nakatira at kung kelan siya naglalaba? titingala lang ako, 'di na kelangan ng pera. asa naman siya. kanya na ang SO-EN niya. hindi naman Victoria's Secret pala. tss.

yung pagiging mabait nabibili din ng pera. yung kabutihang asal at guwapong imahe ay negotiable na din. oo maniwala ka. basta may pera ka, tila hulog ka ng langit sa mata ng mga maralita. sasambahin ka at pupunasan ng panyo na parang poon. err, ayoko naman nun. kaya ko man gawin o hindi e hindi sumagi sa isip ko yun. si Wowowee na lang ang bahala dun, ayoko makisawsaw.

ang pagiging pogi nabibili din ng pera. naku napakadali talaga. kung maitim ang batok mo at pango ang ilong mo, wag ka mag-alala. kung may pera ka, yung kulubot mong mukha puwedeng maging kasing unat ng bond paper. err, 'di ko naman problema yun buti na lang. gusto ko kase ng mukhang madaming linya. gusto ko organic, ayoko ng artificial. buti na lang mainam ang genes ko. joke lang! ahe.. ayoko maging pogi. ambaduy.

nakalulungkot pero, pati ang pag-ibig at pagmamahal nabibili ng pera. ewan ko. siguro 'di niyo lang namamalayan pero nangyayari talaga 'to. panget pero totoo. magara pero makabibili ka talaga kung gusto mo. pero, tulad nung mga nauna, kaya pa din makuha yun kahit wala kang pera. ang kelangan mo lang gawin, tumingala. 'di ka madudungisan.

Saturday, July 17, 2010

Laos na Rakstar

siya si Leo Nikolas Rentanto.

araw-araw bumibili ng kuwerdas. mga tatlong kalabit, isang alambre ang napapatid. mabigat kase ang kamay niya. kalahati kasi ng buhay niya ay nasayang sa panghuhuli ng palaka at pagbubungkal ng lupa. palakang binebenta sa mga paaralan sa Maynila para pag-aralan, lupang binubungkal dahil ang itay niya ay panatiko ni Yamashita. dahil dun, kamay niya ay nasira na. matigas pa sa aspalto at malabo nang ma-romansa ang gitarang pinangarap mabili sa loob ng kalahating taon. nakuha sa halagang siyam na raang piso. nagamit niya sa loob ng tatlong buwan at napagtantong kahit ibabad niya sa Downy ang kamay niya ay hindi na ito maghihilom pa. naramdaman din na mahal pala ang kuwerdas kaya binenta na niya ang kanyang gitara sa halagang dalawandaang piso at isang sako ng uling.

pero dahil parang boses niya ang naririnig sa transistor na radyo ng inay niya, hindi siya sumuko. sa tulong ni Freddie, ng Asin, ng Teeth, ni Pepe at ni Yoyoy, ang puso niya'y nanatiling may alab. kulay abo na yung isang sakong uling na nakuha niya pero ang kanyang mata, maitim pa din at malalim. matang pang-front man talaga. astig.

nalaman na walang kinabukasan sa panghuhuli ng palaka at malabo pa sa abo ng yosi na makita ang kayamanan ni Yamashita, kakanta na lang siya patungong Maynila. gamit ang dalawandaang piso, bag na may t-shirt na tatlong piraso, dalawang shorts na magkaiba ang kulay at sipilyo. walang brip at walang suklay. simula na nang ruma-rak en rol na paglalakbay.

pagbaba sa bus, agad niyang kinapa ang kanya bulsa. dalawang benteng papel, isang piso at dalawang bente sinco na lang ang natira. madaming tao sa istasyon. parang dagat na amoy pawis at puro polusyon. tangan nang mahigpit ang kanyang bag, maangas niyang hinawi ang humaharang sa kanyang landas. hanggang sa nakahinga na siya, agad tumungo sa gitna ng malawak na kalsada para sumigaw na mala-Jagger. rakstar na sana kung narinig niya lang ang busina.

laos agad.

Friday, July 16, 2010

Ang Tatlong Baboy at Tatlong Daga

dati kasi, may nangyare.

nagunaw na ang mundo at naubos na lahat ng hayop kasama ang tao. ang natira lang, anim na nilalang. tatlong baboy at tatlong daga. umm, kelangan nilang tumakas. kapirasong lupa na lang ang natitira sa Planeta. kelangan nilang magparami. pero paano at saan sila pupunta? hirap.

e di ganun na nga. hirap na hirap at natatakot na sila. hindi nila malaman ang gagawin. "oink oi-oik, bo-boink!" sabi ng mga natatarantang baboy. "eek-ki ek, ek keek eeeek." mahinahong tugon naman ng mga daga. kalma lang, kaya niyo yan.

tapos, may naisip yung isang daga! magaling kase yun! kasali yun sa top 10 nung elementarya siya e! "EEEEK!" sabi niya. "OINNNKEEEK!" tugon naman nung tatlong baboy at dalawang daga pa! ang galing talaga! ibang klaseng pag-iisip talaga!

tapos nun, yun na nga. sinimulan na nila yung plano. e di ganito, gamit yung matatalas na ipin ng mga daga, pinutol nila yung tenga nung tatlong baboy. "OIIARGGGNKK!" sigaw nila. pero 'di nila narinig kase wala na silang tenga. tapos nun, gamit ang malakas na puwersa ng mga baboy, hinugot nila ang buntot nung tatlong daga. "EEEEARGGHKK" tili nila! pero ayos lang, kelangan e. tapos nun, yun na nga. may tatlong mahahabang buntot at anim na pirasong tenga na sila. sangkap para magawa ang plano ng dagang kasali sa top 10 nung elementarya.

ano gagawin nila dun? tingin niyo? paano gagamitin ang mahahabang buntot ng daga at tatlong pares ng tenga ng mga baboy para makaligtas? paano nga kaya.

nauubos na ang lupang tinatapakan nila. napapalibutan na sila nang umaasong kargatan ng magma. abala ang tatlong baboy at daga sa ginagawa nilang aparato para makaligtas. bilisan niyo! andiyan na yung magma!

sa isang iglap, *poof* sabi. yun. tapos. wala na. nawala sila.

paano? we? 'di ko nakita? wa? ano nangyare?

at yun na nga. nagkatuluyan yung tatlong baboy at daga at tinawag ang lahi nilang Dabagaboy.

WAKAAAAAS!

Thursday, July 15, 2010

Kuwento ni Basyang

paalala, alaala at mga mainam na ekspiryensya.

walang kuryente at masarap tumunganga. walang ibang dapat puntahan kundi ang bintana. ang amoy kape kong hininga ang nagsisilbing pananggalang ko laban sa tilamsik ng laway ni Basyang. nung nawalan ng kuryente simula alas-dose ng hating gabe, walang kasing inam ang pakikinig kay Basyang habang pinanunuod ang mga puno sa labas na napapasayaw sa mga awit at kuwento niya. nagpapaalala, nangangaral. sa letrang Ba nagsisimula ang ngalan niya. may susunod pang Ka, Da, E, Ga, hanggang Za at pag minalas-malas ay baka bumalik pa sa A. tila sinasabi na siya ay isa lamang matalinhagang matanda na nagtuturo na anumang oras, higit pa sa kadiliman ang magaganap na pinsala sa hinaharap. salamat sa paalala.

naalala ko nung bata ako. walang kuryente pero walang bagyo. sa terrace namin dati masarap tumambay. nakatalukbong ng kumot at may tangan na flashlight. itatapat sa mukha at tatayo dun hanggang sa pawisan at magsawa sa mga kagat ng lamok. ayos lang dahil walang kasing saya ang madinig ang mga tili ng mga dumadaan sa kalsada. masaya din tumambay sa labas. kelangan lang ng maikling kandila at lata ng S-26. inilalagay sa loob ang kandila at ayun, sinaunang flashlight na masarap itutok sa mga blankong pader at kamay, aninong nagkabuhay. salamat Basyang sa mga alaala.

andaming natutunan. ang tunay na esensya ng radyo at ang paborito mong istasyon pala ay malalasap mo lang sa panahong nagdadaldal ang matalinhagang lola. napagtanto na mapalad ako, dahil 'di tulad ng iba na 'di sanay sa dilim, ang kadiliman ay pangkaraniwan na para saken na buhay ang mga gunita 'pag walang liwanag. natuklasan ko na ang pagkawala ng telebisyon, telepono at kung anu-ano pang bagay na pinaaandar ng kuryente ay hindi naman pala talaga mahalaga para malabanan ang bagot at inip. kandila at natitirang pastel, kape sa isang pitsel at ang mga kuwento ni Basyang lang pala ang kelangan laban sa mainam na kadiliman.

salamat Basyang.

Tuesday, July 13, 2010

Karapatang Magpahaba

dahil yun ang nagpapalakas kay Samson.

gender equality. pagkapantay-pantay ng babae, lalake at mga bisexuals. tama pero, ba't ganun? parang puro pabor lang sa mga kababaihan ang nangyayare? paano naman ako? kami?

ayokong magpagupit, ayoko talaga. ito ang sumisimbolo ng kalayaan para sa isang tulad ko. malayang magpahaba ng buhok, babae ka man o lalake dapat. si Lapu-Lapu mahaba buhok, lalake yun. yung mga sinaunang lalake mahahaba ang buhok. yung mga taong tabon di ba? sa Europa mahahaba ang buhok ng mga lalake. kahit sa mga eskuwelahan nila puwede. e bakit dito? bakit 2 by 3 ang kelangang gupit nung elementary hanggang hayskul? at 'pag minalas-malas ka pa, may mga kolehiyong nagbabawal din para sa mga kalalakihang mahahaba ang buhok. anak ng teteng! ambaduy kaya nung 2 by 3 na yun!

proper grooming ba 'kamo? para maganda at desenteng tingan ganun? baket, may mga maiikli ang buhok na madumi din tingan a. baket yung mga Politiko at intelehenteng tao dati, nagsusuot sila nung wig na may curls para magmukhang kagalang-galang? si Da Vinci na isang henyo, mahaba kaya ang buhok pero kagalang-galang pa din ah? ano ba kayo? baket ba kase bawal? tokneneng.

tumutubo ang buhok hindi para gupitin. umuusbong ito kase parte yun ng sistema naten. karapatan nila yun, huwag pigilan. gusto lang nilang maging malaya. hindi naman masagwa at nakasasakit ang mahabang buhok e, mahabang kuko lang. kaya bakit pinipilit niyo kaming putulan? e bakit yung mga babae? tss.

masarap sa pakiramdam na sumasabay sa ihip ng hangin ang buhok ko. para akong nasa isang musik bidyo. ang sayang paglaruan at hipan, hawiin at hayaan ang natural na pagwaswas nito sa mukha ko kaya sana naman, huwag niyong ipagkait. kundi nila ko tatanggapin dahil isa akong lalake na may mahabang buhok, pake ko. 'di ko kawalan. wala ako nakikitang lohiko kung bakit ang mga babae puwedeng magpahaba ng buhok, ang mga lalaki hindi. hindi patas talaga kaya wag ka na.

pake mo ba?

Monday, July 12, 2010

Lilipad, Lilipad, Unggooooy!

naman!

kase ganito yun. bale kase, hindi ka dapat malulula. lilipad ka hindi para tumingin sa baba. nakatingala ka lang dapat, lagpas sa mga ulap, kasaby ng kulog at kidlat. kaya wag kang titingin sa baba, huwag huwag huwag. masama yun. hindi porque nasa taas ka, mababa tingin mo sa nasa baba.

may lumilipad gamit ang UTOT na masarap basahin 'pag naka all caps. malakas at mabahong UTOT. mabilis. walang panahon para tumingin pababa. titingin lang siya para walang mabagsakan. mabilis at mahirap pigilan lalo na kung tatapatan pa ng lighter ang labasan ng UTOT, parang jet booster talaga.

merong lumilipad gamit ang eroplano. walang kuwenta. isang lipad na ginagawa lang para makatawid sa kabilang lupa. baduy at boring. lumilipad pero alam na ang patutunguhan. lumilipad dahil nagmamadali. wala wala. talo. lumipad ka pa. hindi ka lumilipad, yun lang makina. baduy talaga.

merong lumilipad gamit ang saranggola. maganda ang saranggola. yung korteng unggoy na saranggola. paglipad na pinananatiling nakaapak sa lupa ang iyong mga paa. paglipad na ligtas at ang sarap talaga. lilipad gamit ang pisi na nagdudugtong sa unggoy na saranggola. walang inggit, ibang klase. walang hinihinging kapalit, masaya na sa pagmamasid na may napapalipad ka. masaya dahil natatangay ka nung unggoy na saranggola. lipad na lipad! sabay kidlat pa, panalo talaga!

ang sarap lumipad. ang layo sa realidad talaga. talampakang 'di nakasayad sa lupa, mga kamay na abot ang ulap. ang saya, andaming matututunan. walang kapalit ang sensasyong madarama talaga basta siguraduhing marahang babagsak ang talampakan sa lupa. hindi ka puwedeng lumipad lagi, hindi ka ibon. walang oxygen dun, delikado. hayaan mong gisingin ka ng mga awit ng anghel na itutulak, err, gagabayan ka pala pababa. tama, may mga anghel talaga. salamat sa kanila talaga.

paalam pansamantala buwan, ulap, mga tala at malawak na kalangitan. roromansahin ko muna ang lupa. magkikita tayo muli, pangako.

Friday, July 9, 2010

Adik Ka Pare-Dude-Tol-Men-Tsong-Dudes

adik sa buhay, pag-ibig, musika at basura.

madami siyang tanong, walang tumutugon. puyat at gutom at sabog at parang timang. ay hindi, timang na timang. lukaret, unggoy, amoy pagong. alam mo amoy ng pagong?

bakit bahong-baho ka sa utot ng iba pero halimuyak ng sarili mong utot, langhap na langhap at tanggap na tanggap mo. adik ka kase, wala kang puso parang tutube. may puso ang tutube.

bakit may diyanitor pis at bakit may daga? bakit sila lumalangoy kasama ng patay na pusa? adik ba sila? bakit sa may tabi ng maruming ilog sila nakatira? bakit inaamoy mo paa mo?

tinawag ako ng pulis, mukha daw akong adik. adek ba shaaa? e sha thong mahlakhi chaaan e! adek ngaw shaaaa! binaril niya ko sa ulo.

bakit ang tanga ni spongebob? tanga mo spongebob! sabi ng adik, "hindi pare, he's naive.". coool.

bakit nauso ang motor? bakit andaming naka motor? adik ba sila? ogags ba sila? bakit andaming motor? noong 90's pa uso si Masked Rider Black pero bakit andaming motor?

kilala niyo si Andal? adik si Andal. naaalala niyo pa si Andal? pogi si Andal. macho si Andal. i labyu Andal.

laseng ka ba? laseng ka ba? laos na laseng! sabog ka na! sabog ka na? uso ang sabog! wasak ka na?

tawa ka ng tawa? tawa ka ng tawa? adik ka no? tumatawa ka? tumatawa ka? adik ka no? natanong ko na ba?

mahaba buhok mo? mukha kang bungo? kumakain kase ng dalawang kilong asukal gabe-gabe. mahal na pandesal? magkano lobo? ba't andaming rubberban sa wrist mo? wrist pare! haha..

maghapong nakatingin sa gumagalaw na kurtinang kulay dilaw. ano meron? wangwangwang! wang? wangwang? wangwang!

may limang garapon ako ng diyes sentimos. ipa-flash ko sa inidoro. flash. flash? bobo! flush! bobo!

hindi ako kumakain ng bubog, 'di ako adik. kumakain ako ng brshh burs torsh torsh kodorsh. adik ka. adek!

binasa mo? 'di nga? ang adik mo! adik ka? baliw! badik! adiw!

ayoko na nga. tss.

Thursday, July 8, 2010

Ang Malaki Kong Kulangot

nakikita mo? kita mo ba? makita mo sana? nakita mo na?

tahimik na nakatanga at inaantay ang umaga. ang amoy ng pandesal, mainit na arnibal, maluwag na kalsada at mga taong bagong ligo. amoy shampoo, amoy lotion, bihis na bihis at malilinis ang mukha. lakad, antay, sakay, baba.

wala akong pakealam sa kanila, hindi sila ang inaantay ko. wala akong pakealam, tatawanan lang nila ang kayaman ko.

ang kapitbahay ko mula sa kabilang ibayo. siya ang tinatangi ko. kaya lang, hindi niya ako nakikita, hindi napapansin. puwera kahapon, kahapon nung natulog at nagising ako sa bubong. kahapon, nakita kong nabura ang blankong imahe na nakatakip sa kanyang mata. natawa siya, napuna niya ko,

"ang laki ng kulangot mo oh!"

wala akong masabi, ang ganda ng ngiti niya. ang mga salitang sinambit niya ay musika sa aking kaluluwa. salamat sa mga alikabok na nalanghap ko! mapagpalang langit, maraming salamat sa kulangot na binigay mo!

hindi ako nakatugon, hindi nakaimik. ang nagawa ko lang ay sundan siya ng tanaw. habang nakatingin sakin na may ngiti sa kanyang labi. habang sinasalubong niya ang walang kasing ganda na umaga na parang regalo niya saken. ang tinatangi kong kapitbahay mula sa kabilang ibayo, sa wakas, nakita na ako at ang kayamanan ko.

simula kahapon, pinangako ko na araw-araw na matulog sa aming bubong. simula kahapon, sinimulan ko na ang panatang pakikitaan siya parati ng aking mapagmahal na ilong. lahat ng kulangot na mabubuo ay iaalay ko para sa kanya. kahit pagtawanan pa ng iba, ang importante ay mapangiti siya at salubungin ang bawat araw na may galak at tiwala. tiwala sa sarili na magbubura ng mga blankong imahe na humaharang sa magaganda niyang mata. tiwala na kayang umangkin ng liwanag na sumasalubong sa kanya.

parating na siya. kasabay ng amoy ng pandesal, shampoo, arnibal, lotion at iba pa. andiyan na siya. lakad, hinto, tingin, ngiti, lakad, lipad, saya.

salamat kulangot, ligtas na siya.

Tuesday, July 6, 2010

Ang Bangkerong Walang Layag at Sagwan

nagpapadala sa agos patungo sa walang hanggan.

malayaang umaagos ang banayad na alon pero hindi ang mga nakasalalay dito. malawak ang karagatan pero mas malawak ang mararating kung ito'y malalaktawan, malalakaran. kawawang bangkero, nakakulong sa isang malawak na paraiso -- maganda at masagana pero hindi niya kontrolado. isang matapang at marangal na bangkero. walang sagwan, isang lumang sombrero at pamingwit na yari sa kawayan lang ang tangan. sombrero na gamit niyang pananggalang sa umaalab na sinag ng kahapong nagdaan, dahil ang tahanan niya ay walang bubungan. hindi siya naiinitan. pamingwit na hindi niya ginagamit para makahuli ng isdang makakain, kundi para aliwin ang sarili, para makipaglaro sa mga munting nilalang na kanyang hinuhuli at pinakakawalan din 'pag napagod na ang mga ito, nagsawa na sa munti niyang barko. hindi siya nagugutom. matapang na bangkero, marangal na tao.

pagsapit ng gabi ay kakampi niya ang kalangitan. ang malawak na kalangitang tahanan ng kanyang mga kaibigan at balak puntahan balang araw. kasabay ng mga munting tilamsik na hatid nang nahimbing na karagatan, ay ang awitin ng mga balyenang naglalambingan. mga awiting dinadala siya sa kanyang tunay na destinasyon. mga himig na nagbibigay sa kanya ng magagarang sensasyon. kasabay ng mabilis ngunit dahan-dahang mga agos na tumatangay sa kanyang bangka.

ang kanyang bangka, ang matikas niyang bangka.

ang kanyang matatag na bangka na 'di kayang pataubin ng malamig at malakas na ihip ng hangin. ang munting bangka na nagsisilbi niyang paa. walang layag at sagwan, isang malayang tahanan para sa bangkerong kinulong ng mga alon ng tadhana. walang layag at sagwan, pero hindi lulubog, hindi puwedng tumaob. walang binabangga, walang inaabala. tahimik na naghahari sa karagatang puno ng hiwaga.

walang sagwan dahil wala itong saysay. hindi nito mahahati ang karagatan. walang layag dahil nakamamatay. mabilis siyang dadalhin nito sa hangganan ng paglalakbay.

Monday, July 5, 2010

Hangin, Mahangin, Umiihip

hingang malalim, mahal na hangin.

hikab. dahan-dahang tumatakas ang sigla na hawak ng kaluluwa. kailangan na yatang magpahinga ng ulirat. saan kaya mapupunta ang enerhiyang ibinuga? sasamahan siguro ang mga gunita, para madaming makita, para umandar, para matuto, para makatakas mula sa pagod na katawan. masarap humikab. masarap bumuga. masarap humikab at magpalipad ng kamalayan patungo sa kalangitang ikaw lang ang nakaaalam. hikab.

langhap. langhapin lahat, kasama ang mga dumi at baho na sa'yo ay nakapalibot. langhapin ang usok, poot, alikabok. langhapin ang aroma, ang ginisang bawang, ang lihim ni Victoria. lumanghap ng madaming bagay, madaming hangin. gisingin ang walang malay at paliparin ang takipsilim. lumanghap ng madaming hangin sabay takbo ng matulin. maraming salamat. langhap.

buntong hininga. mga munting panalangin na mahirap isalin sa salita. pag-ibig at kalungkutan na ibubuga sa iyong harapan. pansamantalang gagaan ang pakiramdam sa bawat hiningang pinakakawalan. pansamantalang makalalaya sa maitim na ulap na nananahan sa baga. mga munting hangin ng kalungkutan na dinadalangin na makapunta sa dapat kalagyan. maliliit at mabibigat na hangin na hindi napapansin, nakikita, nadarama. buntong hininga.

ihip. masasayang alaala. matatayog na lobo, bulaklak at mga bula. magagarang elisi na madaming ikot ang ginagawa. masasayang ihip na nakakikiliti sa kaluluwa. hipan, ang mainit na kape at masustansyang ulam. hipan, ang katawang nag-aagaw buhay at pusong nagdaramdam. umihip ng umihip at tangayin ang malungkot na nakaraan. masaya sa kalawakan. ihip.

maraming salamat Habagat, Amihan. maraming salamat hikab, langhap, buntong hininga, ihip. maraming salamat hangin.

puro hangin ang laman ng kokote ko, wala akong pakealam. niyayapos ako nito, tumatagos sa aking puso, buto at mga kalamnan. hangin lang ng hangin, malamig man o maligamgam. hahangin ng hahangin magpakailanman.

swooooosh.

Saturday, July 3, 2010

Manunuod Ako ng Bold

err, tama, maganda ang bold.

ewan ko kung saan napunta ang pariralang yan. ewan ko din kung saan na napunta ang kamusmusan. mga kalendaryo ng alak, mga munting larawan sa lighter, mga magasin na Liwayway ang ngalan at yung mga pang-front page na larawan ni Anjeanette Abayari sa tabloid. pati pala yung censored Japanese "ART" Films sa isang cable channel na kung tawagin e WOWOW na pinapalabas tuwing sabado ng madaling araw. yan ang bold. nanunuod at tumitingin kami ng bold. napakamusmos na parirala, mas malusog sa pakinggan at mas mababaw ang kahulugan. manunuod ako ng bold pero cute pa din ako.

ang pagkawala ng musmos na parirala na yan ay kasabay ng pagkakaroon ng muwang ng mga makabagong mamamayan ng Planeta. mula sa manunuod ako ng bold, e napunta na sa magda-download ako ng scandal. medyo hindi na masyado mainam? parang marahas na ang datingan? lalo na kung dadagdagan mo pa ng, yung batang-bata at masarap, e parang medyo hindi na cute kundi hayok na at manyak na manyak. hindi ko alam kung bakit kelangan pa pagdebatehan yung implementasyon ng Sex Education. saan ba sila nakatira? kaninong singit ng isang Porno Star sila nakatira at hindi nila namalayan na matagal nang wala ang kamusmusan nating mga kabataan? oo, kasama ako. dahil magara at ibang klase nga din naman ang scandal kesa sa hamak na bold lang. ewan ko, hindi ko alam. nagpapanggap lang ba silang walang alam o sadyang sa puwitan lang sila ng aso nanahan kaya wala talaga silang alam? 'di ba nila alam na kilala na ng isang limang taong gulang si Maria Ozawa? ewan ko, ang gara niyo, bakit ngayon lang kayo?

dati, panunuod lang ng bold ang alam at uso. ewan ko, pakiramdam ko ay mas-cute ka 'pag yang pariralang yan ang gamit mo. pero ngayon, 'di na uso ang pa-cute. hindi mabibigay nang panunuod ng bold ang kaligayahan na inihahandog ng pagda-download ng scandal. siguro dito mainam simulan ng DepED at CBCP ang kanilang talakayan.

hindi ako cute, ayoko na ng bold.

Friday, July 2, 2010

Ang Ganda ng Peklat Mo

nakamamangha, astig.

huwag mo nang kalikutin, hindi na lalabas ang tren. hindi na mahapdi, hindi na natutuklap. wag mong ikahiya.

may dahilan kung bakit ang sugat nagiging peklat. may dahilan kung bakit kahapon dumudugo yan at kumikirot, pero ngayon ay isa nang katangi-tanging peklat. maganda, madaming mukha. kahit hindi korteng ekis at hindi makinis, astig yan. madaming itinuro sa'yo yan.

hindi na masakit ang peklat. puwera na lang kung bubulatlatin mo. hindi na nakadarama ang peklat dahil natuto na 'to. alaaala na lang ng sugat ang peklat. alaala ng mga masalimuot na pakikipagsapalaran na magagamit mo para sa mas madugo mo pang kinabukasan. huwag naman sana pero, ano malay mo?

maganda ang peklat pero wag mo nang dagdagan. hayaan mong maging pananggalang mo ang maganda mong peklat para sa mga panibago pang sugat. gamitin mo ang peklat para maging paalala na masakit yung sugat na naging peklat na katunog pala ng eklat at kalat at balat na para ding peklat. tama, tingan mo lang ang maganda mong peklat. himasin, damhin, titigan at mahalin. tanggapin mo at wag kang magsisi. yakapin mo at pasalamatan. hawakan mo at wag kang magalit. kase dahil dun sa bagay o tao o pangyayari na sumugat sa'yo, nagkaroon ka ng magandang peklat na magiging kaagapay mo pag nakaapak ka ng eklat, nakakuha ng kalat, nakakita ng balat at ng kapwa mo din may peklat. mararamdaman mo na 'di ka nag-iisa. mararamdaman mo na suwerte ka pala dahil may peklat kang maganda.

huwag kang magalit sa peklat mo o dun sa sanhi ng peklat na yan. wag kang malumbay dahil may peklat ka dahil mas masakit kung hindi naging peklat yan. huwag mong taniman ng poot at galit ang peklat mo dahil hindi lupa yan, mukha lupa lang. magpasalamat ka sa peklat mo dahil ngayon, magaling ka na, niligtas ka niya, mas malakas ka na, astig ka na, dahil ang peklat mo, maganda.

kaya may peklat para mapalitan ang sugat ng nakaraan. kaya may peklat para maiwasan mo muli ang masaktan.

Thursday, July 1, 2010

Nakikinig Ka Ba?

may naririnig ka ba?

nakikinig ka? ano pinakikinggan mo? binoboses mo ba yung pinakikinggan mo? binoboses yung narinig mo na masarap lang sa pandinig mo? binoboses ang mga bagay na sa tingin mo ay tama kahit hindi mo pinakikinggan yung iba. yung boses ng iba na hindi gusto ng iyong tenga. yung boses na magara at hindi mo inunawa. yung boses na hindi din pinakinggan ng iba kaya hindi mo na rin diringgin pa. bakit pa? may narinig ka na na masarap sa tenga. narinig mo na ang sarili mo. sapat na yun. masarap na yun. yun na ang tama. bakit pa makikinig sa iba.

ano naririnig mo? naglilinis ka ba ng tenga? paano mo pinakinggan? maingay ba o dahan-dahan?

ano ginagawa mo pagkatapos mong makinig? makikinig ka ba ulit o gusto mo ikaw naman ang pakinggan? paano mo tinitimbang ang mga bagay na sinasalo ng eardrums mo? agad mo bang binabato pagtapos mo pakinggan yung sarili mo? hindi ka ba nabibingi? naiingayan? siguro oo kaya wala ka nang pakikinggan. paano yung iba? hindi mo na pagbibigyan? paano mo sila mauunawaan kung hindi ka maglilinis ng tenga? kung tatakpan mo ito ng mga ingay na akala mo ay tama. ganyan ka ba makinig? paano ka matututo? sinubukan mo na bang pagsalitain yung iba at pakinggan din sila? o sama-sama na kayo ng mga kapareho mo ang tunog at hindi na pakikinggan pa yung ibang himig na mas maganda sana? yung ibang tunog para may matutunan ka pa. hindi na no? masarap na pakinggan ang sarili niyong halakhak. masaya na namnamin ang mga tunog ng lata na maingay, malakas, masaya pero walang laman. napakinggan mo na yung sa tingin mo ay mainam, sayang lang ang panahon kung pakikinggan mo pa yung ibang hindi mo sinubukang intindihin. ganyan ka ba makinig? ano naririnig mo?

pagtapos mong makinig, ano na gagawin mo? nagpaparinig ka ba? siyempre, gusto mo din na pakinggan ka. ano iparirinig mo? pakikinggan ka din kaya nila? paano ka pakikinggan? pinakinggan mo ba sila? ano gagawin mo? magpaparinig ka pa ba?

may narinig ka ba?

Wednesday, June 30, 2010

Paano Uminom ng Kape

hindi porque P500 ang bili mo sa matangkad mong baso, marunong ka na.

kelangan mo ng hangin. madaming hangin. mauubusan ka ng hangin at hihingalin ka. kelangan mo ng malakas na baga dahil hihinga ka ng hihinga. kelangan mo ng radyo, ng diyaryo, ng kausap, ng kaluluwa. kelangan mo ng malawak na takbuhan at malayang gunita. para hindi ka mapagod, para hindi mabagot. para tuluyang magising at hindi sumakit ang ulo. uminom ka ng kape, huwag kang matakot. kung meron ka na niyan, hindi ka malulunod.

dahan-dahan lang at huwag mong biglain. huwag yung masyadong maligamgam, yung medyo nakapapaso ang mas mainam. isang higop at sanlibong hininga. isang lagok at malayang kaluluwa. isang banto para sa giniginaw na sistema. isang banayad na higop para makawala. namnamin ang yakap sa iyong lalamunan, na banayad na aagos patungo sa iyong sikmura. pakiramdaman ang haplos na aabot sa iyong kalamnan. hanggang sa umakyat sa iyong bumbunan at sumabog ng mapayapa ang laman. isang higop, isang lagok. katumbas ng sanlibong sensasyon na sa katawan mo ay babalot. kasabay ng malamig na hangin at mainam na tugtugin. kasunod ang mga letra at mga diwa na malayang sasaluhin. kapalit lamang ng isang higop at isang lagok. kelangan lang ng kaunting kaalaman at umuunawang panlasa. ihanda ang sarili sa madami pang magagarang ekspiryensya.

isang higop at isang lagok. konting halo at konting singhot. ang sandaling pagninilay-nilay at lumbay ay ipa-hawi sa mainit na haplos at agos na dalisay. madami pang higop at sunud-sunod na lagok ang nag-iintay.

hindi mo kelangan ng liman-daang piso. hindi mo kelangan ng magagarang baso. hindi mo kelangan ng taga-laga ng kape mo. kelangan mo lang ay yung mapait at matamis na likido. kelangan mo lang pakinggan ang tawag ng sira mong ulo. kelangan mo lang pakiramdaman ang madusing na kaluluwa mo. walang kapantay, suwabe, eksakto. nakagugulat ang sarap.

pakiramdam ko pwede na kong mamatay. mamamatay kahit matagal nang patay.

Tuesday, June 29, 2010

Inaugural Speech Ko

*ehem ehem* ubo ubo. isang boteng cough syrup pa pare, lilipad na tayo.

meron na si Kris Aquino nung Linggo. bukas naman yung kapatid niya at siyempre, siya ulet. siyempre dapat ako din meron. pati kayo din dapat, magspeech tayong lahat.

magandang hapon ho. maulan at makulog at makidlat at madilim na Pilipinas senyong lahat. unang-una po sa lahat, mabuhay ang Pilipinas. *palakpakan*

opo, totoo ang balita, hiwalay na si Kris at James. kelangan ko po kasi ng First Lady kaya hihiramin ko muna sa Kris. si Kris Dimagulangan ho. kaya James Dela Peña, intay magbowling ka muna. *palakpakan*

ang turo sa akin ng nanay ko, kung ano ang itinanim, kelangan diligan! *palakpakan*

ang turo saken ng tatay ko, magbisikleta para umunlad ang Bayan! *palakpakan*

muli po, maraming salamat senyong lahat. mabuhay ang Pilipinas! *palakpakan*

masarap matulog kapag ganito ang panahon no? tapos pag-gising mo ay bagong lagang kape ang maaamoy mo. no? no? *palakpakan*

nasabi ko na ba yung sabi ng nanay at tatay ko? *palak.. err*

ay oo nga pala. joke lang ho yun. parang inaantok na kayo e. ha ha! *tawanan (ha ha ha!)*

walang kaibi-kaibigan! walang kamag-anak! hindi ako magnanakaw! anim na taong walang korapsyon! *standing ovation*

muli po, maraming salamat. mabuhay ang Pilipinas! *palakpakan*

*bulong* ano 'to? 'di ko mabasa. *cricket cricket*

err.

sa isang Bansang madami ang magagaling at ayaw malalamangan. sa isang Bansang ang pinaniniwalaan ay ang telebisyon. sa isang Bansang lahat ay may sinasabi. tama. tama lang siguro na ang ating susunod na Pangulo ay si Noynoy. tama. dahil lahat naman tayo ay magagaling, sa sariling sikap natin ay uunlad na tayo. tayo ang magbabago, hindi ang Pangulo. ang Gobyerno? nah. palabas lang yan. isang telenobelang susubaybayan natin sa loob ng anim na taon.

uwian na, tapos na ang drama.

Wednesday, June 23, 2010

Bagong Ligo Kaya Suplado

at hindi na kelangan itaas ang kilay pare ko.

minsan lang ako maligo kaya ipagyayabang ko na. at dahil bagong paligo ako, mabango ako. minsan lang ako bumango kaya hindi ko lalapitan yung mga nagsusungit saken nung hindi pa ako naliligo kahit hindi naman ako mabaho. oo, hindi ako bumabaho. utot lang, basura at patay na daga ang mabaho. minsan kase yung jebs e hindi naman mabaho kaya hindi ko na isasama. lalo na daw yung jebs nung pusang alamid at ng mga Vegetarian. pero hindi tungkol sa jebs 'to kaya tama na. tungkol 'to sa pagsusuplado ko dahil bagong ligo ako. *snifff* panalo pare. iba ang tama ng Safeguard na Gold talagaa.

wala lang. gusto ko lang magsuplado. gusto ko lang sabihin na bagong paligo ako. naligo ako habang kumakanta. sinasambit ko ang mga linyang,

"mister pogi in speyss. saviour ng human reysss.."

habang kinukusot ang aking ulo at katawan. ang sarap pala maligo. matagal ko nang hindi naramdaman ang sensayon na yun. masarap maligo at nakagagaan ng pakiramdam talaga. nakatutuwa din dahil kitang-kita mo yung dumi na natatanggal sa katawan kong puro mantsa. ahhh.. saraaap.

pero hindi ibig sabihin na dahil nasarapan ako e maliligo na ako araw-araw. ayoko, sayang ang tubig. ayoko, ginawin kasi ako. ayoko, ayokong maging suplado parati. ayokong maligo dahil sa estado kung saan mukha akong mabaho at dugyot e doon lumalapit ang mga tunay na may malasakit. ayokong maligo dahil sa panahong puno ng dumi ang aking katawan, e mas mabigat ito at napananatiling nakasayad ang aking talampakan sa putik na aking nilalakaran. katakot kase kapag bagong ligo. dahil sobrang gagaan ang pakiramdam mo talaga. baka hindi ka na makabalik sa lupa talaga. at kaya suplado ako kapag bagong ligo e ayokong may matangay na kaluluwa sa paglipad ko sa poging kalawakan.

suplado ako kasi bagong ligo ako. pero saglit lang 'to. maya-maya, paglalaruan ko ulit ang uling at putik at papasanin ko. hindi din kailanman tataas ang kilay ko.

Tuesday, June 22, 2010

Ang Buwayang Kumain ng Orasan

kaya siguro hindi tumatanda si Peter Pan.

imbes na "GROARR!" ay *tic toc* ang kinatatakutan ni Captain Hook. yun kaseng buwayang kumain sa kamay niya ay nakain din yung orasan na hawak din ata niya. ewan ko, hindi ko na matandaan yung kuwento. huhulaan ko na lang.

nagkukuwentuhan ata noon si Captain Hook at Peter Pan. tinatanong ni Hook kung ano ang silbi ng orasan kay Peter. hindi siya tumatanda at nakalilipad pa. ano pa nga kaya ang saysay ng oras kung hindi ka umaasa dito at malaya kang nakapupunta kung saan mo man gustuhin. yun nga siguro ang pinag-uusapan nila noong araw na kinain ng buwaya ang kamay ni Hook na may hawak din na orasan. siguro napikon si Peter Pan. nainsulto siguro o nainggit kay Hook na may oras na pinanghahawakan, may oras na sinusunod, may oras na kinatatakutan. pumasok siguro sa kokote ni Peter Pan na hindi din pala maganda ang sobrang kalayaan. lalo na ang pagiging malaya sa oras. sa kamatayan. naiinggit din si Hook kay Peter siyempre. naiinggit siya dahil hindi ito tumatanda at nakalilipad ng malaya. madaming tinanong si Hook tungkol dun sa sensasyon ng kalayaan. at dahil madami siyang tanong, sumakit siguro ang ulo ni Peter at nagdilim ang paningin dahil naiinggit nga siya kay Hook. tinulak niya siguro 'to sa ilog o lawa o dun sa bahay ng buwaya. at yun na nga, sakto, andun yung buwaya. nakain yung kamay ni Hook kasama yung orasan niya.

ang buwayang tumapos sa mga katanungan ng dalawa. ang buwayang kumain ng takot ni Hook at ang inaasam ni Peter na oras. ang buwayang sumisimbolo sa kahinaan ng bawat tao. ang buwayang tumi-tic-toc at hindi nag-goGROAAAR.

masaya na si Hook. yung kamatayan na kinatatakutan niya, may babala na. dahil tuwing naririnig niya yung tic-toc, napaghahandaan niya. masaya na din si Peter Pan, dahil yung inaasam niyang oras na kayang humabol sa kanya, ay nasa katauhan na ni Hook na sumumpang papatayin siya dahil sa ginawa niya sa kamay niya.

dapat lagi hawak ang oras talaga.

Wednesday, June 16, 2010

Gutom at Antok

paano ba talaga, talaga paano?

inaantok kase umaga na. natunaw na yung laman ng sikmura at kelangan palitan na. ngayon gutom na ako at inaantok pa. lintek. ano gagawin ko, ano uunahin ko?

ganito yun, ganito ganito. kapag kumain ako, kapag sinunod ko ang reklamo ng sikmura ko, kelangan lumabas ako. lumabas para bumili ng pagkain. lumabas para unahan ang mga tulog pa na saluhin ang unang sinag ng araw. kapag ginawa ko yun maglalakad ako. kapag naglakad ako madami akong makikita. kapag madami akong nakita, iisipin ko lahat sila. kapag inisip ko lahat ang aking nakita, gagalaw ang kokote ko. kapag gumalaw ang kokote ko ay magigising ang ulirat ko. kapag nagising ang ulirat ko, kakainin nito ang antok ko. kapag kinain nito ang antok ko, hindi ako makatutulog. kapag hindi ako nakatulog na naman, mawawalan na ako ng dugo. kapag nawalan ako ng dugo, wala na ang bubuhay saken. kapag nawala na ang bubuhay sa aken, mamatay na ako.

matulog na lang pala dapat ako kung ganoon? kapag natulog ako ng gutom, mahihirapan ako. mahihirapan ako kase yung sikmura ko magdadabog. pero kahit magdabog yung sikmura ko, hindi ko mararamdaman. hindi ko mararamdaman kase nakatulog na ako. nakatulog ako dahil sa hirap na nadarama ng sikmura ko. naghihirap ang sikmura ko dahil wala itong laman. dahil wala itong laman, kakainin nito ang sarili nitong laman. kapag kinain nito ang sarili nitong laman, masusugatan 'to. kapag nasugatan 'to, masasaktan siya talaga. kahit masaktan siya ay hindi ko naman mararamdaman. tulog ako kaya wala akong mararamdaman. dahil wala akong maramdaman, hindi ko ito maaagapan. kapag hindi ko ito naagapan, mauuubos ang sariling laman ng akin tiyan. kapag naubos ang sarili niyang laman, mawawalan ako ng sikmura. kapag nawalan ako ng sikmura, hindi ako makakakain. dahil hindi ako makakakain, hindi na lang ako gigisingin. kapag hindi ako ginising, malamang mamatay din ako.

imposible talaga magawa ng sabay. mahirap madama ng sabay. patay.

Saturday, June 12, 2010

Erase Your Face

kapag..

lumabas ka ng bahay at lumakad patakbo. kapag tumingala ka at nakita na ang langit ay kulay abo. kapag yumuko ka at may tae sa talampakan mo. isa lang ang gagawin, wala ng iba pare ko.

ilagapak ang palad sa noo, kanan man o kaliwa. himurin ang mukha hanggang sa baba. parang naghihilamos lang, parang natutunaw lang. ERASE YOUR FACE my man, ang buhay ay sadyang parang tanga lang.

kapag nanunuod ka ng telebisyon at may nakita kang malaking butas na biglang lumitaw sa Guatemala. kapag hindi makapuntos si Ray Allen dahil mahigpit ang depensa. kapag nakikita mo ang usok mula sa ilong ni Ginoong Aquino. kapag may naaksidente na naman na nagmo-motorsiklo.

ilagapak ang palad sa noo, kaliwa man o kanan. ipahid pababa sa mukha na ang pawis na parang Ponds lang. tangayin ang mata, ang ilong at ang bunganga. ERASE YOUR FACE pare ko. sakto.

kapag sawi ka sa pag-ibig at niloko ka ng nanay mo. kapag nawawala ang aso niyo o may pumutok na lobo. kapag nasaksak ka sa tagiliran dahil ayaw mong ibigay ang China phone mo. kapag nakita mo yung tatlong bata na may bitbit na sako. ano pa iniintay mo? alam na.

ilagapak ang palad sa noo, yung malakas talaga. hilamusin ang mukha gamit ang sariling dugo ng iyong sistema. itakip mo sa mukha mo para wala ka ng makita. ERASE YOUR FACE men. na parang jellyace. yeys!

kapag aburido, aligaga, kunsomido. kapag malas, talo, masakit ang tiyan at ang ulo. erase your face, suwabe, garantisado. erase your face, subukan mo mula baba papuntang noo.

ang kalangitan kulay abo. ang sahig kulay champorado. erase your eyes. ambaho ng patay na daga pero mas mabaho ang usok mula sa bunganga ng katabi mo. erase your nose. lasang lupa ang kanin at hindi ka pa nagsisipilyo. erase your mouth. ang panget na tanawin, ang baho ng mga alituntunin, ang pakla ng mga bagay na pumapasok sa aking tenga.

walang duda, wala ng iba. erase your face pare, tapos ang problema. mapapa-yeba ka talaga.

Wednesday, June 9, 2010

Mister Bean

shhh.

kahit ilang beses ko na napapanuod, natatawa pa din ako. kahit paulit-ulit at kahit sunod-sunod pa, nakakatawa pa din siya. hindi naman siya panget, hindi din bakla. hindi payat, hindi mahaba ang baba. hindi pango, hindi din mataba. partida, hindi na niya kailangan na magsalita. pero, nakakatawa siya talaga. ibang klase. isang henyo. parang naabutan ko tuloy si Charlie Chaplin. panalo talaga. ibang klase ang Komedya niya talaga.

err, tuwing napapanuod ko siya, ewan ko. kahit madaming beses niya na ako napapatawa, nalulungkot ako. kasi, wala na gaanong komedyante na tulad niya, lalo na dito sa Pilipinas. yung mga katulad kasi niya, kayang magpatawa na hindi kailangan na may laitin o may kasamang sidekick na panget o may binu-bully o may pinauusong mga pariralang pauulit-ulit na sinasabi at nakaririndi sa kokote o may binabatukan o may ginagaya na pinapapanget o.. basta, mga ganung gasgas na istilo ba? sa madaling sabi, kaya niyang mapatawa ka na pagkatapos mong tumawa, hindi ka makararamdam ng guilt. kase yung tinawanan mo, hindi deformed ang mukha o hindi binugahan ng tubig o hinampas ng diyaryo o binastos o nilait-lait o.. basta ulet, yun na yun. simple lang yung ginagawa niya, direkta. isang klasik na paraan nang pagpapatawa. ang tunay na esensya para sa akin ng Komedya.

ewan ko. nagtataka lang ako kung nasaan na kaya siya? bakit parang hindi siya sikat? parang wala siyang nakukuhang parangal? ewan ko. hindi ko alam. hindi naman kasi siya naka-add sa Facebook ko. naaalala ko lang siya kapag napapanuod ko yung mga replay na palabas niya. meron din na cartoons pero hindi gaanong nakakatawa. nagsawa na kaya siya? napagod siguro? sabagay, mahirap na trabaho ang magpatawa. pipe ba siya talaga? ganun din kaya siya kumilos sa tunay na buhay? nalulungkot din kaya siya?

basta, para saken, isa siyang henyo talaga. kung nasaan man siya, kung buhay pa ba siya o patay na, isa lang ang magagawa ko para pasalamatan siya.

tumawa.

Monday, June 7, 2010

Melchor Flowers,

magandang araw.

malapit mo nang malasahan ang sarili mong dugo. malapit nang tunawin ng sistema mo ang sarili mong laman. hindi ka na makapeperwisyo pa. tama na, wawakasan ko na. matagal na akong nagtitimpi, nagtitiis. matagal na kitang minamatyagan, wala ka pa din pinagbago. at eto na nga, napuno na ako. ang poot na nararamdaman ko sa'yo ay nalason na ang ulo kong sinira mo. ang mga pangungutyang akala mo ay tama, na tila galing sa isang nilalang na biyaya ng kalangitan sa amin ay sumagad na sa buto ko na dinurog mo. nagkakamali ka ungguy ka. hindi ka regalo ng kung sino man na Diyos sa lupa. ang totoo, wala kang kasing baba. mas mababa ka pa sa pinakamababang uri ng nilalang. mas masahol ka pa sa tapeworm. alam mo yung tapeworm? hindi. kasi ungguys ka.

may taning ka na pare, planado na ang lahat. kaya kita sinulatan ay hindi para balaan o takutin ka lang. binibigyan lang kita ng panahon para makapagpaalam ka sa mga dapat mong paalaman. yun ay kung meron nga? ang alam ko kasi, lahat ay kinapopootan ka at gusto ka nang maglaho. kahit sarili mong dugo ay sinusuka ka na. pero pagbibigyan pa din kita. kelangan maging handa ka. huwag mo nang isipin na tumakas o magtago dahil imposible yun. imposibleng hindi kita matagpuan. umihi ka na sa salawal mo. simulan mo na magrosaryo kung marunong ka pa.

kung minahal mo lang sana ako. kung sana lang, tinrato mo akong kauri mo. yun lang naman ang gusto ko pero, wala. binalewala mo na nga, inalipusta mo pa ako. kung sana minahal mo lang ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo, hindi na sana ako, kami nasaktan. hindi na sana umabot pa sa ganito.

matitikman mo na ang sarili mong dugo, pangako. tutunawin ng sarili mong sistema ang iyong laman, patawad. hindi na ako mapipigilan.
"my darkest clouds will be pouring rain to melt your flowers upon your stupid grave."

mahal pa din kita,
I am The Walrus

Monday, May 31, 2010

Elephant Katol

magarang bansag.

yung mga istasyon sa telebisyon ang promotor. tatakan ba naman ng Kapuso, Kapamilya, Kapatid, Kabarkada at kung ano-ano pa ang mga manunuod nila. walang kalaban-laban, parang gayumang nakahahalina. parang, pag isinabit nila sa'yo ang mga markang yun e, parte ka na nila. bahagi ng isang malaking industriya, kauri nila. parang otomatikong naging taga-sunod ka na nila na hindi mo namamalayan. hindi natin napapansin, bumibili na tayo ng produkto nila na ang ibinabayad natin ay ang ating katinuan. gara e. oras na manuod ka sa kanila, *shing* Kaungguy ka na. ungguy na walang titik-o.

totoo ang sabi na napaka makapangyarihan ng Media sa sistemang panlipunan. gumagawa ito ng kasalanan na hindi natin namamalayan. hindi natin alam, ninanakaw na nila ang ating kamalayan. kaya nga hindi natin namamalayan pala dahil wala tayong kamalay-malay na ninanakaw na nila ang malay naten? wasak.

oo, oo, minumulat nila ang mga mata natin sa mga bagay-bagay. pero, kasabay nun ay ang pang-uuto, pagtatanim ng magagarang paniniwala sa kokote naten at yun na nga, ang pag-marka sa aten. sila na ang humuhubog sa ating pagkatao. sila na lang ang ating pinaniniwalaan. parang Diyos na ilalaban natin ng patayan kapag may tumabla o umaway sa kanila na ibang sekta. aminin mo na, nakikipag-away ka pag nilipat ng kapatid mo sa ayaw mong istasyon yung telebisyon diba? otomatikong lalabas sa gunita mo ang mga baho at kapangitan dun sa kalaban na istasyon ng sinasamba mong istasyon. lagot ka. nagayuma ka na nila. hindi ba, si Kris Aquino ay parang poon sa paningin mo? na lahat ng salitang sinasabi niya ay matalinhaga para sa'yo? si Willie Revillame ay hulog ng langit para sa'yo? sagot sa kahirapan. iyakan mo lang at ika'y aabutan. ayan na. epekto na yan. lumipat ka muna sa NBN4 para mahimasmasan ka.

magagarang bansag na binabayaran natin gamit ang ating katinuan. hindi ko maintindihang mga tatak tulad ng sa katol, bakit Elephant?

Tuesday, May 18, 2010

Lakad

paalis, pauwi.

kontrolado ang hakbang. isa, dalawa, kanan, kaliwa. walang kasing bilis pero hindi umuusad. hindi tumatakbo, naglalakad.

ang inet pare. ang putik ang dami. isang hakbang at isang malalim na hininga. bawat hinto ay mga tanawing hindi puwedeng ipinta.

hindi sa nagtitipid ako ng pamasahe. hindi ako nag-iipon ng barya. gusto ko lang maramdaman umikot ang mundo gamit ang mga paa ko na nakapatong sa tsinelas. na yung tsinelas ang naka-apak sa Planeta. na yung Planeta ang nakadarama ng bigat ng tsinelas. na siya ding bigat na aking dala. hindi titigil, aligagang-aligaga. hahakbang ng hahakbang para makalayas, para makauwi na talaga. uuwi na talaga.

bawal tumakbo, bawal magmadali. hayaan ang natural na kilos ng mga binti. madadapa at babangon kesa ngumawa. pero ngangawa pa din. saka babangon, saka tatalon sa bangin.

bawal pala tumalon, lalakad pala dapat papuntang bangin. patungo sa dulo, kahit malayo, kailangan lumakad pa din. ewan, hindi ko alam. kung bakit kailangan lumakad kahit pagbi-bisekleta ang kailangan para umunlad ang Bayan. ewan. hindi ko alam. kung bakit malamig ang lupa kesa sa konkreto at sementadong apakan. ewan ko. mainam na ituloy na lang ang lakad ko.

dahan-dahan, walang pag-aalinlangan. kahit mapagkamalan na tanga o wala sa katinuan. kahit nakapikit o nakatingala o nakayuko o nakanganga. basta ang mahalaga, nakalalakad, lumalakad at lalakad pa. kahit na pakiramdam mo ay hindi ka naaalis sa puwesto. kahit parang ang bigat na at hindi na kaya ang dala. ngangawa pero siguraduhing lalakad. madadapa pero patuloy na lalakad. kahit may saklay, kahit kailangan na ng kaakay, kailangan lumakad. malungkot kapag wala nang lalakad. hindi na iikot ang Planeta pag wala nang lalakad. walang kuwenta ang patutunguhan, kahit gaano kaganda dun, kahit puno ng kaginhawaan, walang saysay kung hindi ka naglakad. ewan ko. pakiramdam ko lang naman. ewan ko. wala akong pakealam.

magbaon ng tubig.

Monday, May 17, 2010

Diyaryo

wala nang nagbabasa ng diyaryo.

madalas ko makita ang tatay ko na nagbabasa ng diyaryo at humihigop ng kape dati. sabi ng nanay ko, kaya daw siya matalino kahit hayskul lang ang tinapos niya, kaya daw siya magaling sumulat at mag-ingles, ay dahil sa diyaryo. err, siguro dahil din sa kape.

tuwing bumibili ako ng cheese bread pag madaling araw sa tindahang 24 oras ay bukas, nakakakita ako ng nakatambak na diyaryo. madami. akala ko, diyaryo para sa araw na yun. gulat na lang ako, yung petsa, luma na. walang bumili. wala. matumal ang benta. wala.

siguro, kada isang tao na nasa edad 50 pataas ang namamatay, nababawasan din ang bumibili ng diyaryo. ewan ko lang, pakiramdam ko, wala namang bagets na nagbabasa ng diyaryo. puwera yung mga diyaryo na may mga larawang nakahahalina? hindi kabilang yun sa hanay ng diyaryong tinutukoy ko. may internet na kaya. Yahoo! news. andiyan din ang TV Patrol at 24 Oras. maganda. may mga sound effects, mainam na mga ilaw, haytek na mga touch screens, hologram, mga bias na reporters at iba pang mga bagay na maiinam sa mata at walang kapararakan. teka, bakit bibili ka pa ng diyaryo sa halagang P15? isang oras na yun na pang-internet e. sa TV nga, libre na ang balita.

walang Pugad Baboy at Pupung sa TV. wala yung paborito kong komentarista sa internet. iba ang dating ng taong nagbabasa ng diyaryo at humihigop ng kape kesa sa mga taong nasa harap ng monitor at nakangisi. masarap din sa mata ang makakita ng panay black and white lang paminsan-minsan. at uulitin ko, astig ang imahe ng taong nakadekwatro, malupet ang upo, may tangan na diyaryo at may katabing umaasong kape. panalo talaga.

hindi na din naman ako nakabibili ng diyaryo. siguro, sisimulan ko na mamaya. may naalala lang ako. mainam na alaala na iku-kuwento ko sa mga magiging apo ko. isang alaala, na hindi kailangan ng kung ano-ano pang pa-epek para matuto. para madagdagan ang karunungan. para magaya ang iyong idolo.

diyaryo lang.

Saturday, May 15, 2010

Eksistensya

mainam ata na mamatay ka muna bago ka mabuhay.

wala lang. para lang malaman ang importansya ng buhay, nang paghinga, pagkain, pag-inom at iba-iba pang paraan para manatiling buhay? mga gawain na kailangan para mabuhay. kase diba, yung mga taong muntikan nang mamatay, naiihi sa salawal, natatakot, natatauhan at madaming napagtatanto. na nung nakaligtas sila at natakasan ang kamatayan ay nagbabago at tumitino. bakit hindi kaya ganoon na lang no? ipapasyal muna tayo ni Satanas sa impyerno bago dalhin sa lupa at bigyan ng hininga? astig.

pero teka, kailangan pa ba nun? hindi kaya impyerno na tong kinatatayuan naten? di kaya, ito na yun. yung pasyalan, yung lugar kung saan kelangan mong tumino, matauhan, magbago? tama. siguro nga. ito na nga yun pero madami ang hindi nakapapansin dahil abala sila sa pag-aantay na lumitaw ang panloob ni Anne Curtis sa palabas niya. abala sila sa pagpapadami ng pera, pagwawaldas at tapos, pararamihin ulet. abala sila sa sining na kung tawagin ay buhay. isang sining na akala nila, buhay na sila, yun pala talo pa nila ang amoy ng dyebs na isang linggo na sa inidoro na ayaw lumubog dahil barado. binarahan ng mga bagay na akala nilay ay nagpapatunay na sila ay nabubuhay. tss.

e ano ba dapat ang gagawin dito? paano mo ba masasabi na nabuhay ka? magdadasal araw-araw? magsisimba linggo-linggo? gagawa ng kabutihan dahil kapag daw mabait ka ay mapupunta ka ng langit? maging mahirap, api, sugatan, Bayani at iba pa dahil sila daw ang mga pinagpapala, sila ang magiging mapalad naman pagkatapos nilang maghirap? aba ewan ko. hindi ko alam.

paano ba mabuhay? biyaya ba ito o isang tungkulin, isang mabigat na responsibilidad? sapat na ba ang paghinga, pagkain, pag-inom, pagtulog, pagpasok sa trabaho, magka-anak, magka-apo, magka-apo sa tuhod, magkaron ng kaibigan, para masabi mong nabuhay ka? ano sa tingin mo?

ewan ko. hindi kasi ako sigurado kung buhay pa ako o nabuhay talaga ko. ewan ko talaga. ikaw ba

Friday, May 14, 2010

Doggy Bark!

mahirap turuan tumahol ang aso at mahirap din turuan lumangoy ang isda.

teka, paano mo ba tuturuan? paano mo tuturuang tumahol ang aso kung marunong na siya? paano mo din tuturuan ang isdang lumangoy na simula pagkabata, sa tubig na nakatira? mahirap. kahit limampung tasa ng kape ang isilid mo sa ugat mo, mahirap talaga, imposible ata talaga.

kung ang isang Aristokrat ay sumingit sa pila sa isang establisyimentong nagtitinda ng mamahaling kape, kapag kaya sinita ito ng isang dugyot na nilalang na hindi ko alam kung ba't andun din sa nasabing establisyimento at sinabihan ukol sa tamang asal, makikinig kaya yung Sosyaleng asal-gubat?

kung ang isang estudyante ay may nakabalitaktakang kapwa niya din naman estudyante na hindi kasing galing niya sa klase, na kahit na may punto na yung estudyanteng panay tres lang ang grado. kahit nakalahad na lahat ng dapat malaman nung hambog na kabalitaktakan niya, hindi pa rin siya mananalo. kahit anong paliwanag ang gawin nung kawawang mag-aaral, wala siyang panama sa isang nilalang na sa tingin niya ay alam na ang lahat, hindi patatalo.

kahit kailan, pag alam mo na mas marunong ka sa iba. pag alam mo na mas mataas na uri ka na nilalang, hindi mo na pakikinggan pa yung iba pa na nilalang na sa tingin mo ay mas mababang klase at mas mahina kesa sa'yo. kahit na may munting kurot na ito sa puso mo, itatanggi pa din ito ng kokote mo dahil mahirap tanggapin na yung mas mababang klase ng nilalang ay may punto at tama kesa sa'yo. ayaw mong tumanggap ng pagkatalo lalo na kung simula pagkabata, lumalangoy ka na sa inaakala mong tama. na simula pa noon, pinakikinggan mo lang ang tahol na pamilyar sa pandinig mo at kaya ng boses mo.

puwede din na lumangoy sa gatas. puwede din na tumahol at umalulong ng sabay. kailangan lang na may magturo sa'yo kung paano. minsan, kailangan na bumaba sa kinalalagyan at lasapin ang bagong kapaligiran, bagong mga tunog na makukuhanan ng mga kaalamang nalimot na.

Walang Hangang Gunita

na nakapaloob sa dalawang libong karakter.

para lang sa mga gusto talagang umunawa. para hindi sumama ang loob, para hindi magtaka. siguro, ipagdadamot ko na lang din muna. naalala ko kasi ang isang manunulat. ang sabi ng apo niya sa aking pagka-aalala,

isa siyang makata pero, ang mga gawa niya ay hindi niya nilalathala. masyado daw madumi at makasalanan ang mga tao. hindi sila karapat-dapat sa isang uri ng sining na katulad nang nililikha niya.

err, hindi ganoon ang intensyon ko. hindi naman kasi kawalan ang likha ko sa Mundo. wala lang. hahayaan ko lang na matuklasan nila ng kusa, hindi ko muna ipagpapangalandakan. siguro takot lang ako na mapuna. siguro sawa na kong hindi maintindihan, sawa na mahusgahan. siguro galit nga ako sa mga tao. pero, hindi ko sa kanila ipinagdaramot ang mga gawa ko. hihintayin ko lang sila na maging handa. kapag kaya na nilang tanggapin at unawain ang aking mga gunita, madali na nila itong makikita, mababasa, malalasap, mauunawaan. kahit wala na ako sa araw ng kanilang pagtuklas, ayos lang. tatanawin ko na lang sila mula sa malayo. titingan kung may matutunan nga sila o mauunawaan at palihim na lang akong matutuwa, magagalak.

walang hanggan ang aking mga gunita. dito ko ikakalat at iipunin. ilalabas paminsan-minsan siguro. pero mainam na itago ko muna sa espasyong ito kung saan malaya at walang kailangang sundin na alituntunin. mag-isa, mapayapa, tahimik, madrama at wasak na wasak. tama.

nakababaliw ang katahimikan, pero dito ko naririnig ang mga bagay na dapat malaman. kapag tahimik, at ang naririnig ko lang ay ang sayaw ng orasan, sumasabay dito ang mga gunita ko. umiikot, natututo. walang katapusan, walang hanggan. hanggang sa pagtigil ng tibok ng aking puso. hanggang sa pagsikat ng araw. hanggang sa pagpikit ng mga mata. hanggang sa maputol ang hininga. hanggang sa makahanap ng mga kayang umunawa.

ang korni ko. wasak. ahe..

Friday, May 7, 2010

Antenna

pakikinggan kita.

natanggal na yung antenna ng radyo namen. naalala ko, gamit to ng titser ko nung elementarya pag may gusto siyang ituro na di na abot ng kamay niya. kapag di niya abot, ginagamit niya ang antenna. ang antenna na umiikli, humahaba. sumasagap, kumakalap.

pinaglaruan ko. masubukan kung gagana saken tulad sa radyo. tinutok ko sa buwan, pumikit ako, nakiramdam. WOAH!

ginapangan ako ng *@#?! ipis sa paanan! lintek!

game, ulit, isa pa. binukadkad ko, hinawakan, inilawit sa bintana at tinutok sa buwan. pumikit, nakiramdam.

habang nakapikit, pumasok sa kokote ko kung bakit ko ginagawa 'to? walang masagot ang kokote ko pero hindi naman niya inutusang buksan ang mata ko. nakaramdam ako ng takot. nababaliw na ba ko? sobrang wala na ba talaga akong magawa kaya pati antenna pinagti-tripan ko? err, siguro nga. pero hindi ko pa din magawang dumilat. puwera na lang kung gapangan ulit ako ng ipis sa paa.

siguro, may nasasagap na ko? 'di ko lang napapansin kasi may iba akong iniisip. siguro, sa maling lugar ako nakatutok, kaya puro statik lang ang aking naririnig? hanggang sa ayun na nga, nangawit na ang braso ko, wala pa din, wala. ang mga pumapasok sa kokote ko, hindi yung gusto kong marinig na kakaiba. ang pumapasok sa kokote ko, sarili ko ding mga diwa na nagkalat at naglalakad. huminto lang nung minulat ko na ang mga mata ko. huminto lang ng binitiwan ko na yung antenna na hawak ko at ibinalik sa radyo. wala akong narinig, walang nasagap. hindi ko naabot yung bagay na gustong abutin ng aking palad. 'di tulad ng titser ko, gamit ang antenna niya, naipaparating niya sa amin ang mga nais niya. naaabot niya yung mga bagay na gusto niyang ipamahagi sa iba.

may nasagap ako, hindi ko lang narinig. gumana siguro yung antenna, hindi ko lang naintindihan. dahil siguro, hindi ko alam kung saan itututok ng tama, para marinig ko yung istasyon na para saken dapat.

panunusok ko na lang ng puwet mamaya.

Thursday, May 6, 2010

Umaga na Mamayang Gabi

gigising para sa pagtulog na mahimbing.

kung bakit maliwang sa umaga pero madilim sa gabi ay hindi ko alam. pero parang mas maganda kapag gabi tayo gising at sa umaga hihimbing. bakit? para may kasama ako, para madami tayo.

niyayakap ng dilim ang kalangitan at tinatangay nito ang buwan. kasama ng mga bituin at bulalakaw, kasabay ng paglisan ng araw, matutulog kayo. matutulog kayo pero gigising din kayo. ano ang saysay nun? hindi ko maintindihan. kung bakit kailangan niyo matulog kapag madilim na. akala niyo siguro pumipikit kayo. akala niyo siguro, natutulog din ang mundo. hindi niyo sinubukan man lang habulin ang araw. hindi niyo sinubukan na hulihin ang kanyang tanglaw. sayang yun, baka huling sinag na yun na inyong matatanaw. baka huling dungaw niyo na yun sa mundo na inyong ginagalawan. habulin niyo ang liwanag, huwag kayong matulog. habulin niyo ang liwanag at huwag kayong matakot.

kung hindi niyo nahabol, kung hindi niyo na matanaw, sige ayos lang. kahit papaano sinubukan niyo, puwede na yun. sulatan niyo na lang siya ng liham sa ilalim ng madilim na kalangitan. makipaglaro muna sa buwan at paglaruan ang kalawakan. tama. intayin ang liwanag habang gumagawa ng mga bagay na ikatutuwa niya. para pagbalik ng liwanag, maipagmamalaki niyo na hindi kayo naduwag. na kahit madilim, nanatili kayong dilat, inantay siya na may tangang sigla at madaming pangarap. sa pagbalik ng liwanag, maaari ka na muling magsimula. pagbalik niya, akapin mo siya nang mahigpit, saka ka pumikit at matulog katabi niya. kasabay ng pagtilaok ng manok at mga huni ng ibon. kasabay ng pagbangon ng mga nilalang na naduwag at hindi nagtiwala, na babalik ang liwang pagsapit ng umaga.

lamang ka na ngayon sa iba. lamang ka ng mas madaming ekspiryensya at pangarap sa kanila. balang araw magagamit mo yun. magagamit mo sa oras na maubos ang liwanag at palagi na ang dilim, mayroon ka pa din tanglaw, habambuhay magniningning.

tulugan na, inaantok na ko.

Wednesday, May 5, 2010

Plastik, Gutom, Pormalin at Uhaw

sagot sa kahirapan.

kahit biyakin ko pa ang kokote ko, kahit kainin ko pa ang sarili kong kamay, kahit inumin ko ang pawis ko, wala itong saysay. kasi wala akong pambili ng ulam at panload. wala akong pera. ay, baka kayo din wala?

kakain na lang pala ako ng plastik, hindi ko isusuot. kakainin ko ang plastik para ang tiyan ko laging may laman. hindi na magrereklamo, hindi na kakalam. plastik ang almusal, 'di na kailangan ng tanghalian, merienda at hapunan. plastik ang sagot sa gutom ng sanlibutan. hindi na ko nagkalat, hindi na kailangan magpanggap, dahil plastik na ang nagbibigay lakas sa aking katawan. plastik ng cheese bread para malinamnam.

panulak ko pormalin na lang. pag yun ang ininom ko, siguro hindi na maaagnas ang aking katawan. pag yun ininom ko, mawawala ang mga guhit sa mukha ko. pag yun ang ininom ko, talo ko pa siguro yung humithit ng isang kilong damo. solb pare, hindi na ako mamamatay. parang si Marcos, na kahit ilang dekada nang bangkay, buhay na buhay pa din ang kulay. pormalin ang tatapos sa problema natin sa mga sementeryo. pag lahat uminom ng pormalin, lahat magiging guwapo. malulugi si Belo at ang Floresco. ano ngayon kung El Niño? pormalin ang iniinom ko, hindi tubig pare ko.

walang makain ang karamihan, darating ang araw, wala ng pagkain para sa lahat. inubos na kasi ng karamihan, hindi tayo tinirhan, yun pala isusuka din nila agad. madaming nagugutom at madami ang nahihirapan dahil walang tubig sa kanila. madami ang walang pambili ng pagkain, pero madami pa din nagpapanggap na wala silang alam. madaming ang gumagastos para umunat ang balat. madami, oras ang ginugugol para lang sa pamimili ng tsinelas na plastik, na ang halaga ay pagkain na para sa isang baryo. hindi naman nila obligasyon ang iba tama. pero, nasaan ang konsensya? pupunta na ba sila sa langit dahil nagbigay sila ng relief goods nung may sakuna at dahil maganda sila?

bukas, kakain din sila ng plastik at iinom ng pormalin tulad ko.

Monday, May 3, 2010

Punit na Watawat

wasak na wasak.

kung gaano karaming isla ang bumubuo sa Pilipinas, ganun din ata kadaming dibisyon meron tayo. hiwa-hiwalay na nga ang mga pulo, pati kokote natin magkalayo. tama, hindi tayo mga Sunflower na kung saan andun ang araw, dun lang tayo lilingon. pero diba mas maganda yun? isa sinusunod, isa ang tugon. pagkakaisa. pero malabo yun. malabo na dahil sa Relihiyon, idagdag mo pa ang Politika. yung Watawat natin, apat lang ang kulay na siyang dapat natin sinusundan ng tingin, punit-punit na nga, minantsahan pa ng ibang tinta. nung pinanganak tayo, bago tayo naging Muslim o Kristyano, bago naging Administrasyon o Oposisyon, Pilipino muna tayo.

sa darating na Eleksyon, magara panuodin yung mga kumakandidato. ang tingin sa kapwa kandidato, kaaway. magara na nga yung mga kandidato, mas nagiging magara pa yung mga tagasuporta nito. akala nila, yung mga kumakandidato ay ang paborito nilang banda na tinutugtog ang trip nilang musika. hindi ata dapat ganun. akala nila, yung kandidato nila ay parang basketbol team lang na kelangan manalo para maiyabang nila sa kalaban. na kahit mahilig maniko at mambalya, dahil andun yung MVP ika nga, kakampihan nila. hindi ganun, mali ata yun. pag ganyan ka, hindi ka responsableng Botante kundi Panatiko na magiging sarado ang utak para sa iba. isang Panatiko na ipapakita lang ang aprisiyasyon sa iyong sinusuportahan at wala nang pakealam sa iba. kahit iba ang mas maganda, iba ang karapat-dapat, hindi mo na pakikinggan pa. uso ka na e, lilipat ka pa sa iba. number 1! na kaya kami. e teka, paano yung iba na Pilipino din naman? tss.

kawawang Bansa, paano natin maririnig ang isa't-isa? hindi ko na alam kung ang mali ba ay yung sistema o yung gumagawa ng pasya? may pakealam ba talaga tayo o nakekealam lang tayo ngayon dahil uso? masyado na ata tayo nadadala sa mga nakikita natin sa telebisyon. sana, dumating yung panahon na bago ang lahat, tingan muna natin kung ano ang saysay ng ating Watawat.

sana lang.

Sunday, May 2, 2010

Essia,

salamat talaga.

ang mga dahon na bumabagsak ay hindi dapat malungkot. iduduyan sila ng hangin at babantayan hanggang sa mahawakan at ingatan ng lupa. kaya huwag kang mag-alala, bawat ihip ng hangin ay yapos ng pag-ibig para sa'yo. ang nakaabang na lupa ay isang malawak na espasyo sa puso ko. ang puno, hindi ka itinapon, hindi ka inilaglag dahil tapos na ang pakinabang mo. hindi lang siya madamot. gusto lang niyang maranasan mong maging malaya, kaisa ng hangin at lupa. mahal ka namin.

hindi malilimutan ng buwan at ng mga bituin at ng malawak na kalangitan ang tinig mo. nakaukit na ito sa kanilang puso. bawat letra at nota, bawat kuwento at lambing mo ay bahagi na nila. nakadagdag ito sa kanilang kinang, sa kanilang tanglaw, malabong mabura o mapalitan. hindi kailanman mawawala. mahal ka namin.

bawat tubig na iwinisik mo sa munti mong hardin, bawat pag-aalala mo sa kanila at bilin, hindi kaliligtaan at laging tatandaan. ang mga ngiti mo na ibinubungad sa kanila, mga haplos na ipinadama mo, hanggang sa kanilang pagkamatay ay babaunin, sasariwain sa muli nilang pamumukadkad. isasaboy at hahalimuyak. ganoon ka kainam. ganoon ka kaganda. kahit ano pa ang mangyari, mahal ka namin.

huwag kang humingi ng tawad, kahit kailan hindi ka naging pabigat. masyado ka madaming binitbit na parusa, hayaan mo naman na kami ang sa iyo'y umunawa. huwag kang madamot, huwag kang madaya. hayaan mong kami naman ang magkalinga sa'yo. hayaan mong suklian namin ang unawa at pag-ibig na binigay mo. alam mo, kaming lahat, galit sa lason na nakuha mo. kaming lahat, ninanais na kunin lahat yan at itago mula sa'yo. kaming lahat, naiinis, nagagalit, nalulungkot, dahil sa dami naming nagmamahal sa'yo, ni isa samin walang nakasalo sa karamdaman mo. mahal ka namin.

masayang-masaya ako na nakilala ka. kahit anong mangyari, hindi ako mawawala. pagtapos mong magpagaling, alam mo kung saan ako matatagpuan.

essia, lagi mong tatandaan..

mahal kita.

Friday, April 30, 2010

Purgatoryo

malungkot, nakatatakot.

bilyon-bilyong kaluluwa dito nakatambay. hindi kailan man maginhawa ang buhay. patag ang mga daan at ang mga nitso ay abot ang mga ulap. mga palahaw at hiyaw na naririnig ng mga tuod at kambing na may dalang tinidor. wala silang pakealam. puno pa siguro sa kalangitan kaya madami pang nakaabang dito? pero parang wala naman pinagkaiba sa impyerno? mainit din minsan pero madalas umuulan. pero parang ganun din naman. madami ang pinarurusahan.

mga humihingi ng hustisya at bida sa Magandang Gabi Bayan. mga delikwenteng nilalang na di alam kung saan yung tuwid at baluktot na daan. intayin nila si kuwan para malaman. sa madaling salita, isang malawak na espasyo para sa mga naliligaw na nilalang. humihinga kahit nakabaon na sa lupa at inuuod na ang katawan. hindi mainam na lugar para sa mga walang muwang.

pero salamat dahil may lugar na ganito. dahil dito, hindi ka agad nahuhusgahan, mabagal kasi ang kalakaran. puwede pang magbago. hindi pa huli ang lahat para maunawaan ang mga bagay na dapat matutunan. lugar kung saan mamumulat ang iyong mata. yung ikatlong mata. na kahit nakapikit ay dapat nakadarama. hindi nga ito ang pinakamainam na lugar pero dapat daanan at sana ay matakasan.

walang diskriminasyon, walang kahulugan. walang panlalait mula kaninoman. takot lang at madaming lungkot. pagkabagot at sankaterbang yamot. kahit manipis lang na linya ang nagsisilbing harang, mahirap pa din tawirin mula dito ang inaasam na kapayapaan. ang mga andito kasi, madalang mapansin. puwera na lang kung may miyembro ng media dito, blockbuster ang lugar na to malamang. siguro din, pag nagliyab ang mga tahanan, baka pati si Satanas maki-usyoso. kapag siguro nag-play dead sabay-sabay o anudin ng baha ang mga kaluluwa dito, baka mapilitan yung nagpapanggap na Diyos na lumitaw at maghimala. dahil dito sa purgatoryo, maraming himala pero walang naniniwala.

lugar di lang para sa mga bangkai, pati sa mga buhay na walang malay.

Thursday, April 29, 2010

Ang Sugat ay Istiker

at ang malakas na istiker pag dinikit mo sa balat, nakasusugat.

pag mahilig ka sa indian manggo, siguro madalas ka magkasugat. kung nakaka-sincuenta piraso ka nito sa loob ng isang araw o higit pa, bukod sa hiwa ng kutsilyo sa daliri, sa kubeta ka titira. hindi ito tungkol ulit sa jebs, huwag mag-alala.

lahat ng bagay na may buhay nasusugatan. hindi lang tao, pati hayop, puno, halaman at kung ano pa man. tama. may kasabihan nga, "Lahat ng nabuhay, mamamatay.", pero, 'di lahat ng mamamatay may sugat. ibig sabihin, hindi nakamamatay ang sugat. puwera na lang kung 'di mo gagamutin? paano kung may kalawang yung nakasugat sa'yo? paano kung may rabbies yung kumagat sa'yong aso? paano kung napagkamalan mong bandaid yung istiker na super adhesive? patay.

maganda din nga minsan 'pag nasugatan tayo. natututo tayo. nalalaman natin na hindi pinaglalaruan ang Gilette. na ang gunting, nakapuputol din ng balat. na ang bubog, hindi kinakain, hindi inaapakan. matututunan din natin na masarap pala tuklapin ang langib at idikit sa noo.

madali lunasan ang sugat. parang istiker lang ba? natatanggal 'to sa balat natin o di kaya'y sa kaluluwa? mahirap tanggalin lalo na kung matagal ng nakadikit kaya ang mabuti, 'pag bagong dikit pa lang ang sugat, tanggalin mo agad at ihanap ng magandang lugar na pagdidikitan. sarap sa pakiramdam talaga na tuklapin ang istiker na sugat. dahan-dahan lang ha? huwag biglaan. hindi ka naman nagtatanggal ng buhok sa katawan. basta, sa unang tanggal mo lang masakit yan. sa susunod, medyo mild na. ulitin lang ng ulitin ang proseso. dikit sa ibang lugar, tanggal, dikit ulit, tanggal, diki, tangga, iki, angga, ik, angg, i, ngg, ng, g. *poof* wala na. hindi na didikit pang muli ang sugat mong parang istiker lang pala. simple. kailangan mo lang, lugar na mapagkakatiwalaan dikitan at kayang tiisin ang sakit na dulot ng pagtanggal ng istiker na sugat na madikit.

pagtapos nun, magpakasaya na kayo magtanggal ng langib. solid!

Tuesday, April 27, 2010

Para sa Isnatser

hindi ako galit.

nagpapasalamat pa. pinaramdam mo sa akin kung gaano ako kainutil. yung imahe ng ina ko na humahagulgol, habang buhay na uukit sa kokote ko. tuwing maaalala ko to, gigising ako at sasabihin na hindi ko na siya puwede makita muli sa ganoong estado.

salamat dahil nakauwi siya ng buo. walang galos. yung trauma na binigay mo sa kanya, yun na ata yung pinakamasakit. sana ipagdasal mo na mawala agad. sana pumasok sa isipan mo yun. pero salamat pa din dahil, yun nga, buhay siya, hinablot mo lang ang purse niya at tumakbo nang matiwasay. buti hindi mo kinuha pati yung bitbit niyang groseri kundi, wala kami kakainin. pero 'di din naman kami nakakain eh.

yung lumang modelo na selphone na may scotch tape, gumagana pa. huwag mo itapon sana. malaki silbi niyan kahit luma na. yung pera gamitin niyo po sana sa marangal na paraan. malaking halaga din yun, makatulong po sana talaga. gamitin niyo po sana sa tamang paraan. matutuwa po ako talaga kung para yan sa pagkain o pambayad sa ospital para sa may sakit mong anak o ano pa man. sana gipit ka lang talaga. sana di mo yan gamitin para sa bisyo mo lang. sana makatulong talaga sa'yo yan para di ka na ulit makagawa ng masama. sana talaga 'di mo na ulitin pa.

tuwing kinukuwento ka ng inay ko, nadudurog ako. nakita ko kung paano niya pinaghirapan yun. lagi siyang puyat. kumukulo ang utak kaiisip kung paano mapapagkasya sa mga bayarin. sa isang iglap lang, nakuha mo. nakagigigil oo. pero ano pa ba ang magagawa ko. nangyari na eh. walang saysay ang mapoot pa sa'yo.

alam niyo po, salamat talaga dahil kayo ang nang-isnats sa ina ko. hindi kasi kayo gumamit ng armas o dahas. yung iba nasasaksak, binabaril, ginugulpi, pero kayo hindi ganun. basta po, tulad nung sabi ko, sa tamang paraan niyo sana gamitin ang pera. huwag kang mag-alala, ako na mag-aabogado para sa'yo sa nanay ko para di na siya magalit pa. pinapatawad na kita.

mag-ingat po kayo parati. huli na sana 'to.

Monday, April 26, 2010

Monay, Peanut Butter at Zesto

naiwan, iniwan, nalimutan.

hindi porque may kasama ka, may kausap, 'di ka na mag-isa. madaming bagay ang kathang-isip lang.

noong bata ako, Grade 2. kasabay ko dapat umuwi ang ate o kuya ko. pero, sa 'di malamang dahilan, nalimot nila. patay. hindi ako marunong umuwi mag-isa. malayo ang bahay sa eskuwela. isang traysikel at isan dyip ang kelangan sakyan. kelangan din tumawid ng EDSA sa isang daan. wala pang overpass nun. 'di biro yun para sa batang tulad ko. puwede naman dumaan sa isang mall kung saan madaming nadudukot na cute na bata at ginagawang prostitute. lalong delikado ako dun.

sa tuwing nababawasan yung kalaro ko, natatakot ako. kasabay ng paglubog ng araw at pag-alis ng mga ibong maya, malungkot talaga. nung wala ng nakaparadang iskul serbis sa parking lot at kasama ko na lang yung guwardiya, naramdaman ko ang mag-isa. nakatanaw sa bawat traysikel na dumadaan. sinusulyapan yung madilim na paaralan at umaasang lalabas dun si ate o kuya mula sa building nila, wala. mag-isa. hanggang sa makita ang pamilyar na imahe.

naka-puting t-shirt, kahki na shorts at tsinelas. medyo hukot (mana ako sa kanya.) at may dalang supot. laman ay monay na peanut butter ang palaman. medyo malamig na Zesto na orange flavor. hinawakan agad ang kamay ko at sinakay sa traysikel.

"kainin mo na yan." sabi niya. alas-tres ang uwian pero ala-sais na ata nung dumating siya. "nalimutan ka isabay ng kuya mo." at 'di na siya muling nagsalita pa. pagkagat ko dun sa monay habang nasa traysikel kami at katabi ko siya, hindi ko na naramdaman yung takot at lungkot. tuwing naaalala ko 'to, yung lasa nung monay at Zesto, pakiramdam ko, kahit kailan hindi ako naiwan, hindi mag-isa.

yung sarili ko na umalis, bumabalik dahil sa munting alaala. mga taong lumisan, alam kong andiyan lang. tulad niya, kahit matagal ng wala, dadating sila. may dalang supot, kahit di hukot. monay na may paboritong palaman. Zesto na orange flavor kahit maligamgam.

Saturday, April 24, 2010

Trak ng Basura

tren, bisekleta, bus, dyip, Tsedeng, kotseng kuba.

mas gusto ko magmaneho ng trak ng B-A-S-U-R-A.

bakit hindi? yan na ata ang pinakamarangal na trabaho sa lahat. kapag dumadating na, kahit hindi mo nais malanghap, mapapa-yeaaa ka talaga. yeaaa talaga.

hindi maselan. pag yan gamit mo pag trip mo mag-joyride, kahit magsuka lahat ng pasahero mo, ayos lang. ano pa silbi niyan kung malinis yan? tokwa naman. party sa loob ng basurahan. rekta ka na.

talo mo pa ang may sirena o wang-wang. di na kelangan ng magarang busina. matindi puwersa nito pare. dumadagundong ang aura. milya pa lang ang layo, lumuluwag na ang kalsada. smooth sailang ang biyahe mo dude. wasak ang tumibag.

di kelangan ng masyadong maintenance. di mo kelangan mag-helmet. di mo kelangan mag-rosaryo pag pasahero ka dito. walang metro. may nabalitaan ka na ba na, "TRAK NG BASURA, BUMANGGA SA POSTE! 5432, DEDBOL!"

imadyinin niyo, kung ang kalsada naten, trak ng basura lang ang laman. diba mas mainam? basura lang din naman laman ng ibang sasakyan. nagtatago lang sila sa mga magagarang pintura at plate number. kung puro trak ng basura ang laman ng kalsada, mas malinis siguro ang mundo. panalo.

aminin na natin, mabaho lahat tayo. oo lahat. hindi lang yung mga iskuwater o pulube o mga ignorante at walang pinag-aralan. trak ng basura ang nababagay na sakyan naten patungo sa pupuntahang kamatayan. kasama ng mga plastik, patay na hayop, bulok na prutas, lumang sapatos at mga mapagmataas na langaw. saan ka pa? trak ng basura na. joyride papunta sa malawak na karagatan at kabundukan kung saan, mapagtatanto naten na walang nakahihigit kahit kanino man, walang magaling, walang maganda, walang mabango, lahat patas lang, pare-parehong B-A-S-U-R-A.

sana balang araw, magkaron ako ng trak ng basura. 4000HP, 56 inch rims, may built-in GPS, leather seats, may 3D TV, mainam na air-conditioning at siyempre, lumilipad.

basurero on the move.

Thursday, April 22, 2010

Naglalakad na Oktopus

sa talampakan ng karagatan.

nangyare sa pagitan ng alas-diyes ng umaga hanggang alas-kuatro ng hapon.

BABALA: Nakamamatay, Walang Overpass!

gising. labas. sundan ang alon, ang alingasngas. ang unang mapapansin pag bukas ng pinto, madaming Tsunami, sunod-sunod. kasunod ng mga pugita na madaming itim na tinta. malalakas na alon na nakababalisa. ang pinakaiba at katangi-tangi talaga, ang oktopus na naglalakad sa gitna ng kalsada. umaalon ang mga galamay at lumulutang talaga. sa talampakan ng karagatan na nakapaparalisa. *glug glug* presko. hindi na kailangan pumunta ng beach mga pare ko.

nagtatampisaw sa tubig alat kasabay ng madaming jellypis na iba't-iba ang kulay. meron pang jellypis na may kaakibat na katuwang tunog. meron pang jellypis na may tatak ng aplayans sa ulo. umaalon ang mga katawan. hinahati ang mga Tsunami na dumadaan. liquid pare. sa talampakan ng dagat, mga syokoy ay nagkalat. umaalon, bumubulwak. umuusok sa sarap.

kahit malakas ang alon, madami pa ding oktopus ang naglalakad. hindi sumasabay sa mga pating at buwaya. naglalakad kahit madaming pugita na madaming tinta. humahanap ng kung ano. pupunta sa kung saan. mga oktopus na tinitiis ang umaasong karagatan. panalo sa alat, sakto sa sarap.

madaming buwaya at iba't-ibang uri ng isda. walang diyanitor pis. walang halamang dagat at koral riff. may syokoy at dalagang bukid. madaming Tsunami at tintang itim. madaming buhangin na umaaso. madaming alat at aspalto. mga natanaw pagbukas ng pinto. sa pagitan ng alas-diyes at alas-kuatro.

walng tigil sa paglakad mga oktopus na tulad ko. apat lang ang galamay, akala ko walo. umaalon ang katawan at umaaso. sa talampakan ng dagat kung saan napakapresko. hinahanap ang Oasis. Oasis sa pagitan ng talampakan ng dagat at umaasong impyerno. hindi kinalilimutan, na sa Oasis na iyun lang matatagpuan, ang mga sirena, halaman at bukal ng tubig na hindi maalat, kundi malinamnam.

mirage.

Wednesday, April 21, 2010

Putragon, Putragis

sang munting tula na masayang awitin kapag sa tingin mo, walang saysay ang..

"putragon! putragis! anak ng pating at anak ni Janice! kaning panis, singit na pawis, anak ka ng dragon! PUT-RA-GIS!"

yan. habang inaawit niyo, habang ninanamnam. isipin niyo ng isipin kung ano ang pinagkaiba ni Yoyoy at Beethoven. kung ano ang lamang ng Fur Elise sa Butchikik. habang tumutugtog sa kokote niyo ang munti kong tula, isipin ng isipin kung bakit ang buhay magara. kung bakit ang walang saysay ay kinaiinisan pero ang mga bagay na hindi naiintindihan ay pilit na isinisilid sa kokote na kasing laki ng bote ng Gerber. teka, teka. baka naman hindi mo lang naiintindihan kaya sa tingin mo ay walang saysay? baka dahil nakatikim ka na ng imported na tsokolate, ayaw mo na ng ChocNut? baka dahil ikaw ang pinakamalaking isda sa aquarium, pakiramdam mo bigatin ka na? hindi mo alam, yung imported na tsokolate na kinain mo ay may MELAMIN. hindi mo alam, bukas yung amo mo, may dalang higanteng janitor fish na triple ang laki kesa sa'yo at isama dun sa munting aquarium na pinaglalagyan mo? teka, siguraduhing pinatutugtog mo ang munti kong tula habang isinisilid mo yan sa kokote ng aso mo na kasing laki ng Jupiter.

"putragon! putragis! anak ng pating at anak ni Janice! kaning panis, singit na pawis, anak ka ng dragon! PUT-RA-GIS!"

kapag nahihila ka na pababa ng munti kong tula, huwag kang matakot, normal lang yan. pinagdaanan ko din ang karanasang yan. pero hindi ako baliw pare, hindi ako tanga. ganun ka din naman siguro kasi lumutang ka nga?

hindi lang ikaw ang nabubuhay sa mundo. madami na ang namamtay na mas may karapatan mabuhay sa'yo. huwag mo naman sayangin ang pagkakataon mo. porque imported na tsokoleyt ang kinakain mo? porque marunong ka mag-Espanyol? porque kumpleto ngipin mo? porque Classical musik pinakikinggan mo? e ang tingin mo na sa di mo naiintindihan e mababang uri kesa sa'yo?

anak ka ng dragon pare ko. putragis para sa'yo.

Sunday, April 11, 2010

Koala

hindi ka gagaling kung hindi ka nagkasakit.

hindi puwedeng maawa, palihim na lang na hahanga. paghanga dahil kahit na nalason ang katawan, alam ko na hindi susuko at tadhana ay aakapin at tutuklasin. magtatagumpay ka. mga sugat mo ay maghihilom din. kahit gaano kalala, wala kang pakealam. wala silang alam. hindi ka nila puwedeng hatulan. tama, astig ka. dahil simula ngayon, mabubuhay ka na mas masaya, mas malakas at puno ng pag-asa. sugod pare.

naiinggit ako kasi meron kang sakit, ako wala. hindi ako gagaling. hindi ako malulunasan. ikaw oo. malulunasan ka hindi sa paraang kemikal. hindi mo kailangan ng gamot. gagaling ka hindi dahil sa tulong ng isang marunong na Doktor. gagaling ka dahil sa sarili mo. masakit oo. pero katawan mo lang ang masasaktan. kahit kailan, ang kaluluwa mo ay hindi magagalusan. habang ikaw ay may karamdaman, kaluluwa mo ay mas lalakas at patuloy na uusad, lulutang, lalaban. nakaiinggit talaga. ang galing mo talaga.

kahit ano'ng kahinatnan, kahit ano ang nakalaan para sa'yo, kahit ano ang iyong tadhana, hindi ka mawawala, hindi ka malilimutan. lalong hinding-hindi ka mamamatay. ang mga namamatay lang ay ang mga nilalang na hindi sumusubok lumaban, natatakot tuklasin ang tadhana at walang tiwala. walang tiwala sa lupa, puno at kalangitan. na andiyan lang lagi. nakaantabay at handa kang saluhin sa oras ng iyong paghimlay. tama pare. hindi ka mamamatay. hindi dahil, nakaukit ka sa aming buhay. hindi ka malilimutan at dahil dun, mabubuhay ka ng walang hanggan. dahil ikaw ay gagaling, ikaw ay malulunasan.

matapang na nilalang na may mahiwagang kinabukasan. katawang nalason at kaluluwang patuloy lalaban. mapalad. mapalad talaga. dahil may karamdaman ka, ikaw ay gagaling, malulunasan. mapalad talaga at dapat hangaan, dahil makakaya talaga lampasan at matutuklasan ang tadhana na para sa'yo ay nakalaan.

lahat ng may sakit gagaling. lalo ka na, na may tiwala sa lupa, puno at kalangitan.

Friday, April 9, 2010

Nakakita Ako ng Isda

ano naman ngayon?

kasi gumalaw yung mata niya. gumalaw kahit na-iprito na. gumalaw kahit nakahiwalay na ang kanyang ulo sa katawan niya. gumalaw ang mata niya. kumindat pa nga ata? isda, kumindat? barbers!

siya ay Tilapia, tinda ni Aling.. ewan ko sa nanay ko. malaki siya. ay mali, MALAKI SIYA. yan tama. medyo tustado at maalat-alat. malinamnam. malutong ang balat. malaki ang tinik, madaling iwasan. nahahati sa tatlong bahagi, yung ulo, ung tiyan at yung buntot. akin yung tiyan. di ko na naabutan yung buntot. yung ulo wala ng laman. yung mata na lang. at yun na nga, gumalaw ang mata niya! kumindat! nang-aakit, malagkit na malagkit! tiningan niya ako, tiningan ko din siya. MALAKING Tilapia na kumikindat pa!

ano gagawin ko? ang gara nito! kakaibang ekspiryensya talagaaa. guni-guni lang kaya yun? o may ibig ipahiwatig?

tinakpan ko ng plato at nag-intay ng siyam na segundo. dahan-dahang inangat ang takip at sinilip. nawala! nawala na yung MALAKING Tilapia na kumukurap-kurap! oh man! ano yun?! paano nangyari yun?! pawis na pawis na ko. di ko alam ang gagawin ko. sasabihin ko ba to sa nanay ko? iku-kuwento sa kebigan ko? oh man talaga! ang garang ekspiryensya! MALAKING Tilapia na kanina lang ay kumindat-kindat, tinakpan ko lang saglit ay nawala na! tama. tama nga. isa nga siguro yung magic Tilapia. tama. sasabihin ko sa nanay ko na bumalik kay Aling.. basta, at bumili ulit ng isa pa na MALAKING Tilapia. tama. di ko ipa-luluto at babantayan ko baka magsalita! baka puwede ako'ng humiling, karamdaman ko'y mapagaling, buhay ko'y magningning!

"NAY! bili ka pa ng Tilapia, MALAKING Tilapia! ubos na kasi, di niyo ko tinirhan! ulo na lang na walang laman! (nilagay ko sa bulsa yung tiyan)."

walang sumagot, walang tao. alon lang. alon ng alon. akala niya lang pala yun. akala niya may ulam siya. ang malala pa, akala niya, kumindat yung akala niyang ulam niya. akala niya, may nanay pa siya na bumili nung ulam niya na kumindat pa.

Monday, April 5, 2010

Taeng-tae Ka na Pero May Tao sa Kubeta

nakadungaw na bilis!

lahat ng bagay pinag-hihirapan sabi nila. lahat ng bagay, hindi mo makukuha kapag walang kaakibat na sipag, pag-pupursige, sakripisyo at madami pang iba. kahit sino ka pa. kahit hindi ka si Villar, may pag-asa ka. tama, hindi bawal mangarap. ang bawal, umasa sa iba para sa pangarap mo. bawal ang umasa sa gobyerno. mali din na dahil nag-hihirap ka, sila ang sisihin mo. hindi naman sila Diyos. mahiya ka naman.

sabi nga ni Inday Chorva, "puwedeng bilangin ang buhok. ayaw niyo lang dahil tinatamad kayo.". ngayon, dahil sa pag-pupursigi niya, isang maunlad na parlorista na siya na may dalawa ng branch ng Chorva SalonSpa. P25 lang, tabas ka na. yun ay dahil binilang niya ang buhok niya.

si Boy. isang hardinero. isang marangal na Pilipino. sabi niya, "ang mga pogi at malakas ang sex appeal, marunong mag-alaga ng halaman at di puro papogi lang.". dati, pinanunuod niya lang ang mga hardinerong nakaka-iskor sa mayaman nilang amo sa pelikula at drama. ngayon, siya na ang naka-iskor at dahil dun, hardin na niya ang dinidilagan niya. galing at talino. at pagka-pogi.

si Dudeparetol. dating labandero. sabi niya, "kung gusto mo'ng maglakad sa tubig, simulan mo sa palanggana. huwag sa dagat agad dahil hindi naman tayo tulad ni Jesus.". dahil dun, mula sa dating pag-lalabandero, nakapagpatayo na siya ng sarili niyang laundry shop. hindi minaliit kahit kelan ang trabaho niya.

ilan lang sila sa mga nag-hirap para umasenso. hindi umasa sa iba at hindi nagreklamo. sila ay mabuting ehemplo para sa lipunang ito. sila ang aking mga idolo bukod kay Lennon.

walang kasing pait at hirap ang pakiramdam na taeng-tae ka na e may tao sa kubeta. isang maling kilos mo lang e baka lumabas na. pero, walang katumbas ng sarap ang nanginginig na pag-hubad mo ng shorts at brip o panti mo pag-labas nung tao na yun. walang katumbas na ginhawa ang pagdampi ng puwet mo sa munting trono. ahh. ganyan ang buhay pare ko.

YEAMAN!

Sunday, April 4, 2010

Paalam, Gabi Na

baka ma-rape ako at manakaw ang virginity ko.

paano ba magpaalam? yung paalam na, "bye, pupunta na ko ng Saudi." at hindi yung paalam na, "puwede ba'ng tumae dito?". paano nga ba? err, teka. siguro mainam muna itanong yung, "bakit? bakit ka aalis? bakit mo ko iiwan?". naks. drama.

bakit nga ba kailangan magpaalam pa? tss. diba kaartehan lang yun? diba, ginagawa lang yun ng mga tao para malaman kung may pipigil sa kanila. yung pag pinigil sila e mapapa-ayeee ka sa kaloob-looban mo? o hindi din? pag sinambit mo yun, sigurado, may masasaktan. kung hindi yung sinabihan mo e ikaw. o di kaya, parehas kayo. e ba't kailangan pa sabihin? mas mainam ba yung bigla ka na lang mawawala at wala ng paalam pa? o hindi din? siguro, magandang i-reply sa katagang paalam e "bakit?" talaga. pero, kung yung tatanungin mo e di ma-ipinta yung mukha, umiiyak at magang-maga ang mata o nakapikit na at may bulak sa ilong e, mabuti pa'ng huwag na lang. dahil baka mas nakakatakot at mas masakit ang makuha mo'ng sagot. parang, pinatay ka na, gusto mo pa malaman kung ano gagamitin niya'ng teknik. yun e para lang sa mga ayaw maiwan.

ngayon, paano nga ba dapat magpaalam? yung tipo ng paalam kung saan naka-paloob ang napakadaming alaala. yung paalam na may nakalakip na pag-ibig at kalungkutan. yung tipo ng paalam na pang-huli na. na sa oras ng binitawan mo e wala ng balikan pa. yung paalam na pagtapos mo'ng masambit ay kasabay ng pag-agos ng kalungkutan, pighati, galit at kung ano-ano pa'ng bagay na maaaring makasakit o mas malala pa, makapatay ng damdamin. tama. paalam nga naman. yan na nga ata ang pinakamalungkot na salitang kinatha. paano nga kaya?

hindi ko alam. tinanong lang din saken yan.

siguro, ang mainam e dugtungan mo agad ang salitang yun. tulad nga nung nasabi ko, malungkot ang salitang yun kaya samahan mo. pag sinabi mo din mag-isa, andun yung tanong na "bakit?" na masakit sagutin kaya samahan mo. ang sabihin mo,

"paalam, gabi na."

Sabi Nila

binulong nila saken.

sabi ng pagong, mahirap ang may pasan pero mas mahirap kung kailangan mo pa dumaan sa EDSA para makauwi. sabi ng pagong, madali sambitin ang pag-ibig sa loob ng bahay na astig. sambitin, hindi gawin.

sabi ng lamok, hindi cool ang mabuhay sa dugo. hindi din daw nila malasahan ang lasa ng baboy. sabi ng lamok, wala daw siya kilalang Edward Cullen at oo, 1/4 sa populasyon nila ay may AIDS. ok.

sabi ng bentilador, mainit talaga kapag madaming alikabok. tanggalan daw ng takip at iharang ang daliri sa elisi para sa kakaibang ekspiryensya. ang sabi ng bentilador, hindi daw ako Dentista para sabihing dalawang beses isang taon lang siya puwedeng ma-konsulta, kahit mapunasan lang ba. dedma.

sabi ng mangga, hindi daw sila galit sa mga "Cowboy". ang mga "Cowboy" daw ang galit sa kanila. ang sabi ng mangga, mas mainam talaga ang bagoong kesa sa asin lang. ang asin, hindi malansa.

ang sabi ng hanger, wala. nawili ka naman.

ang sabi ng inay, huwag intindihin ang sasabihin ng iba, hindi sila ang nag-papkain sa'yo. ibang usapan na, kapag si Kris Aquino ang nagsalita. ang sabi ng inay, si Gibo ang iboboto niya. yung sinabi niya kay Noynoy, censored.

ang sabi ng buwan, bakit ba kayo ganyan? ako ginagawa niyong kasangkapan kapag ang puso niyo ay sugatan. ang sabi ng buwan, ang pag-ibig ay mainam. mainam kung tunay na na-ipararamdam at nararamdaman. haay.

ang sabi ng hininga ko'ng hangin, *hooofhhh* at *swoooofhh*. huwag daw mawalan ng pag-asa hangga't siya ay naririnig pa. talaga lang.

ang sabi ng pagong, lamok, bentilador, mangga, hanger, inay, buwan at hininga ay walang patumangga. walang saysay at panay haka-haka. ang mga sinabi nila ay hindi mahalaga dahil, wala naman silang sinabi talaga. ay meron. ay.. meron nga pala.

ayokong makinig sa sabi nila. bawal makinig hangga't hindi ko naririnig sarili ko'ng kaluluwa. saka kuwan.. basta may isa pa. sikret muna.

Friday, April 2, 2010

Paheram ng Sapatos

may pupuntahan lang ako.

hindi ko kasi nagagamit yung saken, kaya paheram ng sapatos mo. wala ako'ng ka-date, biyernes santo kaya. gusto ko lang maglakad at maglakbay at magtuklas. ibabalik ko din, hindi ko ga-gasgasan. paheram?

saan ka ba pupunta? saan ka pumunta? may i-papahiram ka ba o nang-hihiram ka lang din? bago din ba yung sapatos mo at puro alikabok? malungkot din ba yung sapatos mo? malungkot at bagot na bagot?

mang-hiram na lang tayo ng sapatos, samahan mo ako. at bigyan naten ng makukulay na paltos at galos yung mga talampakan natin. panahon ngayon upang maglakad at maglakbay at magtuklas. mang-hiram tayo ng sapatos na puro gasgas, may pudpod na suwelas, ma-himulmol na sintas at masarap ikaskas sa lupa.

pahiram ng sapatos, ayoko ng may takong. ayoko din nung pam-basketbol at yung pamasok sa eskuwela. gusto ko kulay brown na natuluan ng pintura. gusto ko yung walang alikabok galing sa kabinet mo. gusto ko yung madaming lugar na ang napuntahan. mas mainam siguro yung nakaapak ng simbahan. paheram ng sapatos, siyempre dapat kasya saken. ayoko ng bigay, gusto ko hiram lang.

kahit may alipunga ka pa o kahit ano pa'ng sakit sa paa, ayos lang. kahit ngumanganga na at lumalawit na ang dila, mas mainam. kahit hindi mo napapahiran ng Kiwi o nalalabhan, wala ako'ng pakealam. di ko naman isusuot e, isusukat ko lang. pahiram po.

maraming lakad, maraming lakbay at maraming tuklas. isang mainam na sapatos kapareha ng medyas na butas. para sa mga paa na madumi't sugatan. para sa kaluluwang hindi nasisikatan ng araw. para sa nilalang na hindi nakararamdam. para sa mga buto at balat na pinakuan. paheram ng sapatos.

paheram ng sapatos. ayoko nung may air soul, laos na yun. ayoko din nung kay Penny Hardaway. kahit blue pa ang kulay nun, ayaw. gusto ko lang naman, yung madalas maglakad, maglakbay at magtuklas.

tss.

Tuesday, March 30, 2010

Lobo na Gawa sa Spaceship

o spaceship na gawa sa lobo. o ewan. o ganun nga. tama ganun nga.

gusto ko ng lobo. yung kulay asul. ay, bughaw pala. tama. bughaw-asul nga. ito ang gagamitin ko para makalipad. oo, hindi pakpak. ang manok may pakpak pero di ito lumilipad. ang eroplano may pakpak pero gasolina ang dito'y nag-papalipad. kaya lobo gusto ko. lobo na ang lamang hangin ay sa akin galing. lobo na asul o bughaw na ang hanging laman ay ang bawat hininga ko simula ng ako'y isinilang. lobo na aking hahawakan hanggang sa makapunta ako sa buwan.

dadaanan ko ang mga anghel. gamit ang kanan ko'ng kamay, kakawayan ko sila. dadaanan ko sila para ipakita na gamit ang kaliwa ko'ng kamay, tangan ang lubid ng lobo na yari sa ugat ko at maraming hininga na siya'ng laman ng lobo, ako'y nakapunta din at nahawakan ang mga ulap gaya nila. kaway para sa mga anghel. haplos para sa mga ulap. patungo sa higanteng Sunflower na walang tangkay, tangan ang lubid ng lobo gamit ang kaliwa ko'ng kamay.

bago pumunta sa nasabing bulaklak ay pi-pintahan ko muna ang buwan. i-guguhit ko doon ang aking kanang kamay na naka-peace sign gamit ang baon ko'ng pintura. makikipaglaro sa mga tala. hahanapin ang kuwago na nakikita ko tuwing umaga. i-iilag ang lobo sa mga dumadaang kometa. pipikit pag madilim at didilat pag nakakasilaw na. hanggang sa makapunta sa higanteng Sunflower para pumitas ng isan nitong hibla.

pag nagawa ko na ang dapat magawa. pag nalaro ko na ang malawak na obra. lobo'y pa-puputukin. kasabay nang pag-hinto ng ihip ng hangin. kasabay nang pag-tatapos ng magandang awitin. kasabay nang pag-takip ng mga ulap na madilim. ako ay babagsak. tangan pa din ang lubid na yari sa aking ugat. ako ay babagsak. tangan ang hibla ng higanteng bulaklak. ako ay babagsak. dahil ang lobo ko'ng asul na bughaw ay pumutok. dahilan upang ang aking hininga ay kumawala. kumawala patungo sa buwan kung saan ko iminarka. ang kanan ko'ng kamay gamit ang sarili ko'ng pintura.

paheram ng payong.