right_side

About Me

CURRENT MOON

Followers

random thoughts..

Friday, March 26, 2010

Sa Mundong Ito

patalastas.

sa mundong ito, kung saan ang mga panget, bakla at matataba ang pinakamainam na komedyante. sa mundong ito kung saan ang makikinis na balat na nakabilad ang mainam na imahe, dapat pa ba na mag-malasakit?

sa mundong ito, kung saan ang lupa ay dinidiligan ng dugo upang mapausbong at mapatayog ang makabagong arkitektura at teknolohiya. sa mundong ito, kung saan ang mas nakararami ay binabalewala, kailangan pa ba ng hustisya?

sa mundong ito, kung saan hindi na kailangan ng puso dahil andiyan naman ang bi-ag at pu-ke para sa mga nais umibig. sa mundong ito kung saan ang utak na nalaglag ay mahirap nang ma-iangat kasabay ng mga kaluluwang puwede nang itapon dahil ligaw na ligaw na, kailangan pa ba ng patnubay?

sa mundong ito, kung saan ang mga nilalang ay nakatingin lang sa salamin oras-oras, minu-minuto, segu-segundo, para hindi sila madapuan ng langaw. sa mundong ito, kung saan ang bagay na kailangan at dapat talagang gawin ay walang laban sa pag-papaunat ng buhok at pag-tatanggal ng tagyawat, kailangan pa ba ng makakain?

sa mundong ito, kung saan puro dibisyon at puro rebolusyon ang kailangan. sa mundong ito kung saan ang mga nilalang ay gusto ng pag-babago dahil mukhang bitin pa sila sa dami na ng nagbago. sa mundong ito kung saan lahat ng nilalang ay gustong pumunta sa kalangitan, dapat pa ba na mag-alala?

sa mundong ito, kung saan, ISANG *?#@! ORAS lang ang kailangan para daw magawa mo ang PARTE mo. kung saan, pagtapos ng ISANG *?#@! ORAS na yun eh muling susugatan natin ang mundong ito, kailangan pa ba natin ang mundong ito?

kung may malasakit ka pa para sa mundong ito, patayin mo daw ang ilaw mo sa loob ng isang oras, bukas, Marso 27, 2010, 8:30-9:30PM. kapag ginawa mo yun, pupunta ka daw sa langit at mabubuhay nang walang hanggan. amen? *?#@!

sa mundong ito.

No comments:

Post a Comment