alaala lang.
habang nag-aabang ng sasakyan sa waiting shed, may dumating na mama. anduon siya sa kabilang dulo, malayo sakin. buti na lang.
medyo may katangkaran, yung buhok hanggang balikat at parang kay Jack Sparrow yung datingan, kayumanggi ang kulay ng kutis pero madumi, medyo payat, may astig na goatee at bigote, sa loob ng jacket na grey ay t-shirt na itim, naka-shorts lang, madaming rubber band na iba't-ibang kulay na parang bracelet sa kanang kamay, may dalang shoulder bag na kulay brown at tsinelas na hindi havaianas.
"rakista malamang." sabi ko.
nakatingala at tila may binibilang, may hawak na plastik cup sa kabilang kamay. parang may inaantay, kundi ako nagkamali, kumanta pa ng awit ng Tropical Depression. cool talaga.
medyo matagal na ako'ng nag-iintay, wala pa din bus. nakatingala pa din yung mama. medyo nangi-ngiti siya. tumingala din ako, wala ako'ng nakita. ano kaya yun?
may dumating na dalawang lalaki na estudyante ng Nursing o Nars na. ewan ko. biglang tumawa ng malakas yung mama, nakatingala pa din. natawa din yung dalawang estudyante. tumingala ako. wala pa din ako'ng nakita. tiningan ko yung dalawa, hindi naman pala sila nakatingala, nakatingin sila sa mama habang nakatakip ang ilong. nakapagtataka. gara.
wala pa din dumadaan na bus. yung dalawang lalaki, sumakay na ng jeep. kinawayan sila nung mama, kumakaway habang nakangiti. "babay!" sabi niya. tumingala ulit, hawak pa din yung plastik cup na walang laman, ganoon pa din ang tindig at itsura. gara talaga. kaming dalawa na lang ulit.
"bakit ba may tao?" sabi niya. nakatingala pa din. tumingala ulit ako. wala talaga eh. naiinis na ko ah.
"walang dumadaan na bus dito. yun ba inaantay mo? tuwing madaling araw lang sila dumadaan dito." sabi niya. gulat talaga ko. "paano niyo po nalaman na yun inaantay ko?" tanong ko.
"ako lang naman ang nag-aantay ng ulan dito." sabay tingala ulit.
tumingala ako at natawa. gara.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment