tss.
ang mga tala ay hindi gumagalaw. hindi ito nawawala, hindi ito nakakita tuwing gabi lang. ako ang nawawala. ako ang lumilipat ng puwesto. ako ang malikot pa sa bulateng nabudbudan ng asin at inihian ng aso. pero, sila pa din ang may kasalanan. ang mga tala pa din ang may sala kung bakit hindi ko sila nakikita kapag pumipikit ako at hinihiling na bumagsak sila. kasalanan nila. kasalanan nila kasi hindi nila ako tinitingan tulad ng pag-tingin ko sa kanila. hindi nila ako napapansin dahil malayo ako at humahalo sa basura at patay na daga ang imahe pag minsan na sila ay tumingin pababa. kasalanan nila kasi hindi nila ako hinahanap. hindi nila alam na may isang tulad ko, nandito, nag-iintay sa kanila, araw-araw na sila ay pinag-mamsdan at humahanga sa kanilang ganda. buwiset kayo. buwiset. kung bakit ba kasi lagi niyo'ng natatawag ang aking atensyon. kung bakit kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko na kayo ay pag-masdan. bakit kase kayo, andiyan sa taas, hindi niyo ba ako puwedeng isama diyan? gara niyo. gara. kayo na maganda. kayo na ang makinang. naiinis ako pero hindi ko pa din mapigilan, ang mamangha, matulala. hindi niyo ako kilala. hindi niyo ako hinahanap. ako ay isa lamang sa kalat dito sa madumi naming planeta. kaya hindi ko kayo mahal eh. kahit maganda kayo di hamak kesa sa buwan, sa buwan pa din ako. sa buwan pa din dahil kahit maliwanag ay nakikita ko pa din. ang buwan talaga ang mas mabuti senyo. kahit di kumikislap, kumukutitap, eh nakikita niya ako. nginingitian niya ako. hindi siya madamot tulad niyo. tinitiis niya ang mainit na sinag ng araw para lang matanglawan kami dito. hindi katulad niyo na malakas mang-asar na parang, tinatawanan ako pag ako'y nahihirapan. gara niyo. hindi kayo gumagalaw, hindi kayo umaalis. wala kayo'ng ginagawa kundi mag-masid lang. hindi niyo alam na andito ako, buhay, nag-iintay. palamuti lamang kayo mula dito sa aming malawak na basurahan.
gutom na ako. gusto ko ng Alaska condensed milk at pandesal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment