deds.
habang nanunuod ng Discovery Channel kaninang madaling araw tungkol sa isang matandang imbentor na may blueprints na para maging imbisibol, habang iniisip kung ano ang pag-ibig, habang hawak ang cellphone at nagdi-DL ng porn, habang.. wala. nagutom ako. dating gawi, kuha ng pera sa bag ng tulog ko'ng ina, pumunta sa 24 hour store, hinanap ang paborito ko'ng midnayt snack, "Marby's Cheesebread".
karaniwan, yung bite size lang ang nilalantakan ko. P18 lang pero, medyo bitin. dahil P50 ang nadekwat ko, siyempre, yung big time ang binili ko. P49, may sukli ako'ng piso. tama, hindi ko binalik ang sukli kay inay. tulog siya eh. shh.
sobrang gutom, sobrang daming iniisip, sobrang asar dun sa matandang imbentor dahil wala pa pala siya'ng finished product nung imbisibiliti formula niya at sobrang asar dahil 2MB lang ang memory ng phone ko. dahil dun, walang awa at walang patumangga ko'ng nilantakan ang pinaka-paborito ko'ng midnayt snack, "Marby's Cheesebread". P49, solb ang gutom, may sukli ka pa. may laman na sampung piraso. niyari ko yung anim. sunod-sunod. yung apat, almusal ko bukas. yebaa. tulugan na. 5AM na.
alas-dose ng tanghali, naalimpungatan, sumasakit ang tiyan. nakapikit na dumeretso sa banyo at dun ko nilasap ang pinaka-mapait na 45 minuto ko ngayong araw. natutulog ako habang sumasakit at tumitilamsik sa aking puwitan ang malamig na tubig mula sa aking kina-uupuan, habang nag-iisip, habang sinasariwa ang mga naganap kaninang umaga, habang pinag-papawisan ng 'sangkaterba. yebaa. solb.
sa buhay, pag ikaw ay problemado't malungkot, humahanap tayo ng gamot. kahit pansamantala lang, go. kung ano yung andiyan, go. sa sobrang pagka-desperado, nakalilimutan natin tingan na baka yung bagay na akala natin ay lunas sa ating karamdaman, lagpas na pala sa best before date nito at mag-dudulot ng sakit ng tiyan.
di ko na kinain yung tira. ang nakakatawa, ang aking ina, ,ay binili na tasty at peanut butter ang palaman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment