magtago ka na.
lahat daw tayo ay anghel na ipinadala ng Diyos na nag-sisimula sa malaking titik D dito sa lupa, na kailangang gumawa ng sangdaang kabutihan para muling makabalik sa kalangitan. kung sino ang nag-sabi saken niyan o kung saang sekta ng Relihiyon ko yan napulot, hindi ko na maalala. ang naalala ko lang ay yang gintong aral na yan. naalala ko kasi.. cute?
sabihin mo yan dun sa kontestant ng WOWOWEE nung isang araw. isang ina na mangangalkal ng basura. kasama yung dalawang anak niya. sumayaw silang tatlo. sumayaw na parang mga wala sa katinuan. sumayaw hindi dahil talento nila yun, kundi para masiyahan sa kanila yung host, yung mga mayayamang OFW at yung iba pa dun sa studio na yun na maganda ang mga ilaw at may mga seksing babaeng gumigiling-giling. para masiyahan sila hindi dahil sa magaling sumayaw yung mag-iina, kundi para tawanan sila dahil mukha silang tanga. sumayaw yung mag-iina na yun para sa limang libong piso. para sa tsansang makapag-uwi ng isang milyong piso sa Jackpot round nang nasabing programa. sumayaw sila para pag-uwi nila sa kanila, ma-ikuwento nila kung gaano kaganda dun sa studio na yun at kung gaano kabango yung host at yung mga manunuod. parang langit. heaven. paraiso. yeaaaah.
ano na nga ulit yung sinasabi ko nung umpisa?
kung alam lang nung mag-iina na yun na ang kailangan lang eh gumawa ng sangdaan na kabutihan para makabalik sila sa langit. kung alam lang nila na hindi naman talaga pinakikinggan ng mga tao ang ma-drama nilang kuwento. kung alam lang nila na hindi sila pinapalakpakan dahil magaling silang sumayaw. kung alam lang nila na hindi langit yung studio na yun kung saan sila sumayaw. kung alam lang nila na ang kailangan lang ay sangdaang kabutihan para makabalik sa kanilang pinanggalingan. kung alam lang nila sana.
pinatay mo ba yung ilaw mo kanina? cute yun. dapat ginawa mo para cute ka din.
bye. babalik na ko sa impyerno. tss.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment