giniginaw ako. grabe.
ginaw no? ang sarap mag-kape pag ganito ang panahon. panalooo. kawawa yung may mga air-con, di niyo yan magagamit. isang malaking BELAT! para sa inyo.
mas gusto ko talaga pag ganito ang panahon. walang ulap pag gabi, makulimlim pag-sapit ng alas-dos ng hapon, mahangin pag tanghalian na, (subukan mo manuod ng WOWOWEE, ang ginaw pare.), sarap matulog, ang sarap mag-hybernate. panalo. lamig talagaaa.
ayos lang yung mga rotating brown outs. duh? ginaw kaya. pag wala kuryente, sarap makipag-takbuhan sa labas! ayos lang din mawalan ng tubig no? ang ginaw eh! hindi nga ako pinag-papawisan, ba't kelangan maligo pa? panalo talaga.
cool na cool. namnam na namnam ko ang hinihigop ko'ng kape sa mga oras na ito. *slurpppp* ahhhhh. panalo talaga mga pare ko. sabayan mo pa ng "No Woman No Cry" ni ginoong Bob, wala ka ng hihilingin pa. salamat talaga. salamat sa mga ulap na tumatabing sa UV rays na ibinabato ng araw. salamat sa sariwan hangin na ipinapasa sa akin ng puno ng mangga sa labas. salamat talaga dahil wala kaming air-con, hindi sayang ang pera namin. salamat po.
naaawa lang ako. naaawa sa ibang tao. bakit sila nag-rereklamo? ang init daw? mga manhid? ako dito halos manigas na sa ginaw, sila naiinitan? di nga?
nung pag-labas ko kanina nung bumili ako ng bigas, andaming naka-payong. baket? nag-tatampo sila sa katiting na sinag ng araw na tumatagos sa mga ulap? may sumisigaw pa na, "walangyaaaa ang init!", sa palengke. nge? di naman. bakit ganun?
kung may dapat mag-reklamo, alam ko hindi dapat tayo yun. kung naiinitan ka, wag mo sisihin ang araw. ang El Niño. kung naiinitan ka, sisihin mo sarili mo.
naaawa ako sa puno ng mangga. ung berdeng-berdeng dahon niya, nababawasan na ang kulay. naaawa ako sa lupa. di na siya nadadalaw ng ulan. pero wala silang reklamo. kaya, damayan ko na lang sila. i-imadyinin ko na lang, maginaw. para patas kami.
Stir it Up.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment