right_side

About Me

CURRENT MOON

Followers

random thoughts..

Friday, March 5, 2010

Buhay, Pag-ibig at Programang Baduy

paano mo malalaman?

may napanuod ako sa telebisyon, isang celebrity na itatago ko na lang sa pangalang "Pepot", ang nag-kukuwento tungkol sa pagiging mausisa niya nung bata siya. ganito yun.

tinanong daw niya yung lola niya. sabi daw ni Pepot, "lola, paano niyo po nalaman na si lolo na yung tamang lalaki para sa inyo?". sabi daw ni lola niya, "kasi, naramdaman ko na mahal ko siya.". tanong agad ni Pepot, "paano niyo po nalaman o naramdaman na mahal niyo siya?".

paano nga ba malalaman yun? paano mo malalaman na mahal mo ang isang tao at siya na talaga ang habambuhay mo'ng kasama? hindi ka iiwan kahit maputi na ang buhok mo ika nga nila, tulad nung lola at lolo ni Pepot? teka, tuloy ko na.

ang ginawa daw nung lola ni Pepot ay tinuro yung puno sa labas ng bahay nila at sinabi na, "naniniwala ka ba, na sa puno na yun ay may pag-ibig?". enbayronmentalis si Pepot at mahilig sa puno kaya mabilis niya'ng naitugon na, "opo.". sabi daw ni lola, "ganoon ko nalaman Pepot. alam mo, sa mundong ito, may mga bagay na hindi mo kelangang makita o ipaliwanag pa sa'yo. mararamdaman mo lang yun sa sarili mo. sa ganoong paraan ko nalaman na yung lolo mo na ang huling lalake para sa akin.". ganoon. sa ganoong paraan daw naliwanagan si Pepot tungkol sa buhay, pag-ibig at kalikasan.

wow. heavy yun. ano natuklasan ko?

natutunan ko, na kapag naniniwala ka sa isang bagay gamit ang buong puso mo at naramdaman mo ito talaga, hindi mo na kailangan ng paliwanag. naunawaan ko na ang mga bagay na ganoon ang pinaka-importanteng sangkap para ma-kumpleto ang pagkatao mo. ibang klase. panalo.

bukod pa pla dun, natutunan ko din na mainam mag-tanong sa mga lola tungkol sa mga bagay na di mo maintindihan at higit sa lahat, mainam pala na manuod paminsan-minsan ng mga talk show na pang-nanay. gara.

maniwala at makiramdam.

No comments:

Post a Comment