right_side

About Me

CURRENT MOON

Followers

random thoughts..

Wednesday, March 24, 2010

Tule Para sa Tunay na Lalake

tuli ka na ba?

ano ba para sa mga nilalang ngayon ang depinisyon ng isang tunay na lalake? ikaw? tunay na lalake ka ba? wushoo. gaga.

ngayon, ang tunay na lalake ay umiinom ng alkohol. umiinom kase wala lang, gusto lang. cool kasi. pagtapos uminom, su-suray suray, hanap ay away. dati, ang mga tunay na lalake, pagtapos uminom, sumusulat ng mga tula na may labing-apat na linya. nakakasulat ng isang chapter sa kanilang nobela. yan ang epekto ng alkohol noon. ngayon ay sangkaterbang mura at masansang na salita. mga gawain ng tunay na lalake.

ang tunay na lalake ngayon ay may tattoo. may tattoo sa kanilang mga masels na produkto ng pag-jiGym nila. mga tattoo na parang kendi, tinuro nila sa mga naka-display sa pader ng isang tattoo shop at binili. noon, bago ka magka-tattoo, kelangan pumaslang ka muna ng isang oso. o di kaya, kelangan mo muna makuha ang respeto bago burdahan ang hindi makinis, kundi magaspang na katawan. ang tunay na lalake nga naman.

ang tunay na lalake ngayon, madaming babae. madami din abandonadong anak. madaming chix at alam ng mga kabarkada niya lahat tungkol dito. nuon, madami din chix ang tunay na lalake. pero, walang umiiyak at walang abandonadong anak. sa madaling salita, ang tunay na lalake ngayon, babaero, noon, romantiko. suwabe pare.

ang tunay na lalake ngayon madami. sama-sama. ang tunay na lalake ngayon, nanggu-gulpi ng mas konti ang bilang sa kanila. noon, ang tunay na lalake mag-isa lang. walang takot kahit walang kasama at kayang tumalo ng lima kahit mag-isa kahit hindi siya si FPJ.

ang tunay na lalake ngayon ay pogi. may baon na powder at suklay sa bag at ayaw mapawisan. malambot ang kamay at walang peklat sa katawan. noon, ang tunay na lalake hindi nag-susuklay. walang arte. walang pakealam kahit mabilad sa ilalim ng araw at pawisan nang napakainam. barako.

yabang. nag-uumapaw na ego. hindi lumuluha, tingin sa sarili ay santo. yan ang tunay na lalake ngayon pare ko.

No comments:

Post a Comment